Thirty-nine: It's Not the End

13.9K 493 27
                                    

Hello sa lahat. Kumusta? This book is about to end na. I've been doing shallow updates lately and I am sorry for that. I am gonna do my best to give you a good read. Salamat sa mga sumusuporta lalo na sa mga nagvo-vote at comment. You motivate me. God bless.

Thirty-nine

The scandal made a buzz in the entire city. Marami sa Plebeians ang nagalit sa mga fullbloods lalung-lalo na sa apat na main families. Para sa kanila, we were not deserving to rule the city.

"Attention! Attention!"

Napatigil ako sa pagbaba ng speedboat nang marinig ang boses ni Hugo sa isang malakas na speaker.

"Ano yan?" tanong ko kay Calix na siyang nasa harapan ko. Nakababa na kasi siya.

"Ah. Pag may special o important announcement, ginagamit ang speakers. There are a lot of speakers all over the city. Sa school, town square, residential area, in the woods, everywhere," sagot naman ni Calix na nakapamaywang at nakaharap sa nakahilerang mga shops.

"This is a very important announcement. Because of the treachery of some Homo praestanus, Nimrod got the coordinates of our city. And because of that, they are going to attack us on the night of Princess Piper Caverly's birthday," deretsong sabi ni Hugo.

Tumigil ang lahat sa kani-kanilang ginagawa upang makinig.

"On March 4, Prepare yourselves. Nimrods are coming. All fullbloods are required to fight and defend the city. Plebeians you can choose to fight or leave the city temporarily to be safe. Weapons are allowed to be used. Those who need more can go to the armory center and ask. Let's be united to defend our home. This is a trial for us. We need to overcome this."

Silence. Tapos na ang announcement. At dahan-dahang muling umingay sa paligid. Tanging ang attack ang topic ng lahat.

Naglakad na kami papunta sa paborito naming coffeshop. Kasama ko ngayon sina Calix, Riley at Everett. Wala si Griffin dahil kasama n'ya ang kanyang ama at kapatid ngayon sa dungeon upang bisitahin si Margaux. Sina Fallon at Colton naman ay missing in action nanaman. Parang may something na sa dalawang 'yun na hindi namin alam. Hindi na rin kasi iginigiit ni Fallon ang feelings n'ya kay Griffin. 

Nakaupo na kami sa loob ng coffeshop ngunit wala pa ring lumalapit na waitress sa amin. Pinagtitinginan pa kami ng ibang customers maging ang service staff. May mga nagmamadali pang lumabas bitbit ang kanilang kape.

"Why do I feel like people are avoiding us?" bulong ni Calix kay Everett.

"You're not feeling it alone, bro," sagot naman ni Everett.

"Nai- stress ako dito. Excuse me. Wala ba kayong available na waiter?" malakas na tanong ni Riley sa crew na nakamasid lang sa amin.

"Hindi na kayo dapat pumapasok dito. Traydor ang pamilya ninyo," anang ginang na ala- Eleanor ang tindig. Light green nga lang ang mga mata n'ya. Nasa kabilang mesa siya kasama ang isang babaeng ilang taon lang ang tanda sa amin.

"Excuse me?" taas-kilay na sabi ni Riley. "Hindi nyo alam? Kami ang gumawa ng paraan para maibuko ang mga traydor. Wala kaming kinalaman sa kasalanan nila."

"Riley," saway ni Everett sa kanya.

"Kung hindi dahil sa aming magkakaibigan, di sana hanggang ngayon hindi pa sila naipakulong. Why can't you just be thankful?"

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon