Thirty-five
"Dude, stop smiling. You're creeping me out," napatingin ako kay Calix. Nakataas ang kilay n'ya habang nakatingin kay Griffin.
"And why is that?" agad namang nawala ang ngiti nito at napalitan ng simangot.
"Dahil para ka nang sinaniban ng kaluluwa ni Maddox. Ganyan yun makangisi eh."
"Ngising manwhore ba?" sabad naman ni Colton.
Hindi ko mapigilang hindi matawa sa kanila lalo na nang mas sumimangot pa si Griffin. Totoo naman kasi. Kanina pa s'ya ngisi nang ngisi kahit wala namang nakakatawa.
"Mind your own business, Devereaux," sabi na lamang niya.
Umiling ako saka pasimpleng tinapunan ng sulyap ang mesa nina Margaux, Eleanor at Camila na nasa isang glass na private room. A perfect place for a secret meeting. Hindi masyadong halata na may pinag-uusapan silang kakaiba dahil marami namang tao dito sa lugar na to. Nandito kami sa isang coffeeshop. Walang alam sina Calix, Riley, Everett, Colton at Fallon kung bakit kami nandito. Kami ni Griffin lang ang nakakaalam ng lihim naming pagsusubaybay sa grupo ng tatlong babae.
"Uy beshy, sabi pala ni Declan kanina mag-isip ka na raw kung ano ang gusto mong party para sa eighteenth birthday mo," biglang sabi ni Riley sa akin. S'ya ang nasa kaliwa ko samantalang nasa kanan naman si Griffin.
"Huh? Naku kahit simple lang naman okay na ako," sagot kong napabaling sa kanya.
"Declan? Nagkausap kayo ni Declan? Kailan? Bakit hindi ko alam ha, Riley?" biglang singit ni Everett.
"Selos much, dude?" natatawang kantyaw ni Calix kaya pinamulahan naman agad ng mukha si Everett.
"Selos? Ako? Hindi no," aniya saka humalukipkip.
Napailing ako. Napaghahalataan naman masyado ang isang to.
"Ano bang paki mo kung nag-usap kami. Ang saya nga eh. Ang gwapo n'ya," sagot ng dense na si Riley.
"Duh. He's in his late twenties na kaya. He's too old. Eww," maarteng sabad ni Fallon.
Aba. Sumasali na pala to sa usapan?
"Bata pa yun no," ani Riley.
"Anong bata? Pwede na yung maging lolo," ani Everett na nakasimangot.
"Dude, selos ka nga." pang-iinis ni Calix sa kanya.
"Mukha nga. Halata," sabi naman ni Colton kaya namula lalo si Everett. Inirapan nito si Riley.
Tumawa lang sila. Si Fallon din medyo natawa.
Teka. Kelan lang sila naging friends lahat? Ako lang ba ang walang alam? Napatingin ako kay Griffin. Nakangiti nanaman siya sa kawalan. Isa pa to. Tanga-tangahan lang.
Siniko ko s'ya kaya naman agad na kumunot ang noo niya nang balingan ako.
"What?" aniya.
"Mukha kang tanga d'yan."
Tinaasan n'ya lang ako ng kilay saka muling ibinaling sa mga kaibigan namin ang tingin n'ya. Aba't...!
Sabay kami ni Griffin na napalingon sa mesa nina Camila nang may isang Plebeian na lalaki ang lumapit sa kanila. May sinabi ito kay Eleanor at agad na silang tumayo. Sumama sila sa lalaki maliban kay Margaux. Nanatili siyang nakaupo at poised na umiinom ng kanyang frap.
Nagkatinginan kami ni Griffin. Parang iisa lang ang nasa isip namin.
Saan sila pupunta?
Sabay kaming tumayo kaya napatingin sa amin ang mga kaibigan namin.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...