Fifty-one: They Are Ready But...

13.2K 486 60
                                    

Fifty-one

Malapit nang matapos ang isang buwan na ibinigay ni King Donovan. Iginugol ko ang panahong iyun sa pag-eensayo. Dalawang abilities ang pinapalakas ko at hindi iyun madali. Busy rin sina Astrid at Harlow sa kanilang training. At tulad nina Riley at Everett dati, tinuturan din ako ni Astrid kung paano palakasin ang aking aether. Tinuruan n'ya ako ng mga techniques na kayang gawin ng ability namin.

Pati sina Saint at Carlisle ay busy din sa training. Buti naman at hindi na ako ginugulo ni Kamahalan. Hindi ko alam kung bakit bigla s'yang tumigil sa panggugulo sa buhay ko pero masaya ako.

Katatapos lang ng aking training isang hapon. Umuwi na ako sa mansyon ng mga Falcov nang ipatawag ako ni Papa sa library. Nadatnan ko siyang nakaupo sa isang magarang upuan na kulay maroon na katulad ng kulay ng drapes sa malaking bintana. Katamtaman lang ang liwanag sa kwarto na nagmula sa sinag ng araw na papalubog na.

"Pa, gusto n'yo akong makausap?" naupo ako sa katapat niyang upuan. Nasa gitna namin ang mesita na may nakapatong na tasa ng tsaa.

"Pipay, alam kong galit ka dahil kay Philippos..." panimula niya.

"Hindi ako galit sa'yo Pa. Sa kanya oo."

"Kailangan mong intindihin ang pinagdaanan n'ya. Hindi madali ang naging buhay n'ya at ngayon ay malapit na siyang mamatay."

"Anong ibig n'yong sabihin?"

"Kahit na nanghihina ang katawan n'ya sa tuwing ginagamit niya ang kanyang reality warping, patuloy n'ya pa rin itong ginagamit. N'ong sinabi niyang tutulong siya sa'yo, sa inyo ng mga kaibigan mo, totoo iyun. Pinaghandaan n'ya ito katulad n'yo."

"Kahit anong sabihin n'yo, hindi ko s'ya mapapatawad. I will not let him get involved with my life. My life is fine without him."

Tumangu-tango si Papa. "You are a smart girl and I trust your judgment."

Ngumiti ako. "Thanks Pa."

"Aalis ako uli, anak. Kailangan kong samahan si Philippos."

"Bakit? Why are you so loyal to him?" naiinis ako. Bakit kailangan n'yang alagaan ang taong 'yun?

"You should understand the concept of friendship by now. That's why you're going to war, right? For your friends?" narinig ko ang disappointment sa boses ni Papa at hindi ako nakasagot.

Tama s'ya. They have a strong bond as friends.

Tumayo na siya at nagtungo sa pinto. Ngunit bago siya lumabas, may sinabi muna siya sa akin.

"I hope that you find in your heart the forgiveness that your father asked before he dies."

Ako na lang mag-isa ang naiwan sa loob ng library. Napasandal ako saka malalim na nag-isip.

Napakakomplikado ng buhay. Kahit anong desisyon ang gawin mo, hindi lang ikaw ang apektado n'on. Kahit na sabihin mong desisyon mo 'yun at para iyun sa sarili mo, sa gusto mo man o hindi, apektado pa rin n'on ang mga taong nasa paligid mo.

Hindi ko mahanap sa puso ko ang pagpapatawad at hindi ko alam kung bakit. Siguro, dahil nalaman kong lumaki ako sa gitna ng kasinungalingan.

Ilang saglit din akong nanatili sa posisyon ko at nag-isip.

---

Isang hapon, nagpunta ako sa bayan kasama sina Astrid at Harlow nang nakasalubong namin ang magkapatid na Goodwin. Inimbita kami ni Saint na mag-early dinner at agad na pumayag ang dalawa kong kasama. Hindi man lang nagpakipot.

"So, Dr. Saint, may girlfriend ka na ba?" tanong ni Astrid na tinawanan lang ng lalaki.

I rolled my eyes. Nakakahiya namang kasama ang dalawang to.

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon