Pasensya na at matagal ang update. Na- busy kasi sa bago kong home. Tsaka medyo nagkaroon ng writer's block pero heto na. Enjoy!!! Mwah
************
Thirty-seven
"Hoy! Ano nanaman ba yang ginagawa mo?"
Napatingin ako sa bagong dating na si Riley and as usual nakabuntot nanaman dito si Everett.
"Ano pa nga ba? Tingnan n'yo," itinuro ko sina Declan at Eleanor na masayang nag-uusap sa loob ng isang pizza house.
"Binalaan mo na s'ya. Hindi mo na problema kung ayaw n'yang makinig. Tayo na sa meeting. Naghihintay na ngayon sina Tita Margaux," sabi ni Riley kaya sumunod na ako. Usapan namin ngayon na magkikita-kita kami sa Degray manor.
Mabilis kaming nakarating kina Griffin. Nandoon na ang mga kaibigan namin pati mga magulang ni Griffin sa may library. Tumabi ako kay Griffin na matamang nakatitig sa akin.
"What?" pabulong kong tanong sa kanya.
Nagkibit-balikat lang siya at hindi sumagot. Nailing na lang ako at bumaling kay Margaux na ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa kanyang mga palad na nasa kanyang kandungan.
"So, tonight, we will execute the plan. Handa na ba kayo?" tanong ni Finnigan sa aming lahat.
"Hindi namin magagamit ang mga abilities namin ngayon," ani Calix.
Right. Napatingin ako sa device na nakakabit sa akin. Kahit anong gawin namin ay hindi iyun matatanggal hangga't hindi pa dumadating ang end date ng punishment na naka-set doon.
"No need for violence. At kung mangyari man, we will do it," sabi naman ni Maddox.
"Alright. Fallon, handa na ba lahat ng mga kakailanganin natin?" tanong uli ni Finnigan.
"Opo Tito. Naka-set na ang lahat."
"Good. Let's be here at exactly six tonight."
Tumayo na kami. Lumapit muna ako kay Margaux. Naaawa talaga ako sa kanya. Hindi pa rin sila nag-uusap ni Griffin na tulad ng dati hanggang ngayon. Nagpapalamig lang siguro ang huli. He felt betrayed by his own mother kaya naiintindihan ko rin siya.
"Tita, okay ka lang?"
Pilit siyang ngumiti. Bakas sa mga mata n'ya ang pait, lungkot, pagkabigo, sakit, pagsisisi.
"Piper, wag mong papabayaan ang anak ko," mahina niyang sabi na tila ba wala siyang sapat na lakas para magsalita.
Tumango ako. Hindi ako sigurado kung ano ang ibig n'yang sabihin na wag kong papabayaan pero alam ko sa sarili kong hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Griffin.
Ngumiti siya uli. "Salamat," tumayo na siya at lumabas na ng library.
She was ready to turn herself in. She was ready to face whatever punishment she was about to receive.
"Pipay, balik muna kami sa castle. Sama ka?" biglang agaw ni Everett sa atensyon ko.
"Ah oo. Gusto ko munang magpahinga."
Hindi na nga kami nagtagal sa Degray manor. Agad kaming umuwi sa kastilyo kung saan nakita ko sina Harlow at Camila sa may sitting area na may malaking bintana na gawa sa glass at nakarahap sa magandang garden sa may gilid ng kastilyo. Kasalukuyan silang umiinom ng tea at seryosong nag-uusap.
"Isasama ba natin siya mamaya?" biglang bulong ni Riley sa akin nang malampasan namin ang mag-ina.
"Wag na siguro. She'd been through a lot. It will be better if she doesn't witness it. Mas mabuting marinig na lang niya kesa makita n'ya for real," sagot ko at tumango naman si Riley.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...