Forty-nine
"Fifty-seven," na-flat ang lamok na kakapatay ko lang. Kanina pa ako nakatayo dito sa labas ng classroom ni Kamahalang Carlisle. Tatlong oras pala itong subject n'ya ngayon kaya heto ako, nagkaugat na at ginawa pang snack ng mga lamok.
"Okay ka lang?" agad na tanong ni Astrid nang mapadaan s'ya kasama ang kanyang mga classmates.
"What do you think?" I answered rolling my eyes. Seriously, kailangan pa bang itanong 'yan?
"I really wonder why you do this for him."
"Don't think too much about it," sabi ko na lang saka sumandal sa handrail na gawa sa bakal na balusters.
"Ikaw ang bahala. Basta hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang rason mo kung bakit mo 'to ginagawa," sabi n'ya na ginawa pa ang "I am watching you" hand gesture.
Natawa na lang ako sa kanya. "Umalis ka na nga."
"Hala umalis daw."
"Pinaalis n'ya ang prinsesa?"
Nakakalokong ngumiti si Astrid. Oo nga pala. Nirerespeto at tinitingala siya ng mga tao dito.
Pinanliitan ko s'ya ng mga mata kaya tumawa s'ya. Tinalikuran na niya ako at naglakad palayo.
Ilang taon pa ang lumipas bago lumabas si Carlisle na tumatawa kasama ang dalawang babae na hawak-hawak n'ya sa beywang.
Akala ko ba nandito ako because he wanted to get rid of his women? Bakit ngayon dala-dalawa pa?
"Ako na lang kasi ang dalhin mo, Carl," sabi ng isa na may blonde na buhok at nakasuot ng haltered top at sobrang ikling palda na halos kita ko na ang cheek.
"Pwede namang ako 'no," sabi naman ng isa na may red hair at naka-micro shorts naman at tube top.
Seriously, naliligaw yata ang dalawang 'to. Hindi dapat dito sa school pumasok eh kundi d'on sa club.
"Girls, girls, ayaw ko naman na may magtampo sa inyo," ang laki ng ngisi ni kumag.
"So kaming dalawa ang date mo?" hopeful na tanong ng blonde.
"Actually, I already have a date."
"Huh? Meron na? Who?" anang isa naman.
Kumalas siya sa pagkakakapit sa dalawa saka ako inakbayan.
"What the hell?" sa gulat ko ay nasiko ko s'ya kaya napaatras siya.
"Aray ha!" pinandilatan n'ya ako ng mga mata.
"Bakit ka ba nanggugulat?" mariin kong tanong.
"Hoy miss, bakit mo sinaktan ang prinsipe namin?" to the rescue naman agad ang dalawang linta. Minassage pa nila ang balikat at dibdib nito.
Seriously? Sa braso ko s'ya tinamaan. Mga malalandi lang?
"Thanks girls sa massage," pilit na kumawala sa dalawang linta si Kamahalan saka siya sumiksik sa akin.
"Ano ba? Tigilan mo nga ako!" tinampal ko nga ang braso n'ya.
"Stop hitting me," bulong n'ya saka umakbay uli.
"Carl, bakit ka ba lumalapit sa kanya?" parang nandidiri pa ang blonde habang nakatingin sa akin.
"Oo nga," namaywang ang isa.
"She's my date."
"What!?" they gasped.
"Oo nga. What?" I faced him.
"You're my date for the Royal Gala," he said wiggling his eyebrows.
"Royal what?"
"Royal Gala, idiot," anang red hair.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...