Seventeen: His Place

17.2K 648 87
                                        

Seventeen

Tahimik lang kami sa buong byahe hanggang sa makarating kami sa kastilyo. Nakaabang na sa may bulwagan sina Hugo, Camila, Declan, Lola Vernice at ilang mga di ko kilala. Nang hindi makita si Harlow ay agad nang umiyak si Camila kahit na wala pang nagsalita.

"They escaped again," hindi iyun tanong. Nasa boses ni Hugo ang disappointment.

"I-I'm sorry," sabi ko kaya napatingin sila sa akin. "Hawak ko na s'ya pero nakuha pa rin nila."

"You! You pathetic weakling. Kung hindi ka sumama sana ay naging matagumpay ang misyong ito!" sigaw ni Camila na tinuturo pa ako.

Iintindihin ko ang galit n'ya. Totoo naman kasi.

"Madam, kung hindi s'ya sumama hindi natin makokompirma na buhay pa nga si Harlow. We weren't there for her. Hindi kami ang nakahanap sa kanya. Harlow was already gone when we arrived at the area. Si Piper ang nakahanap sa kanya," sabi ni Calix.

Napaisip ako sa sinabi n'ya. Tama s'ya. Wala rin silang magagawa kung hindi ako sumama. Kasalanan ko ang pagkakakuha sa kanya dahil mahina ako pero makukuha pa rin naman siya kahit wala ako doon dahil hindi naman umabot sa tamang oras silang apat.

"And the informant died," sabi naman ni Griffin.

"Shit. Paano na natin s'ya mati-trace?" ginulo ni Declan ang buhok n'ya. He seemed so frustrated.

"We will figure this out. Magpahinga na kayo. Piper, you rest now," malumanay na sabi ni Hugo.

Hindi s'ya galit sa akin?

"Weak bitch!" sigaw ni Camila sa akin at akmang susugurin pa ako pero pinigilan na s'ya ni Declan.

"Stop it, Camila. You're being unreasonable!" singhal ni Hugo sa kanya kaya napatigil naman siya.

Tumalikod na ako at nagpunta sa hagdanan. Naramdaman ko naman ang mga hakbang na sumunod sa akin. We were so quiet hanggang sa pumasok na kami sa kanya-kanya naming mga kwarto. Pabagsak akong dumapa sa kama at malalim na nag-isip.

Hindi ako sinisi ng buong Team 2. Kahit na si Fallon ay hindi nagkomento sa nangyari.
Kinapa ko ang dogtag na nasa loob ng bulsa ng jacket ko.

Clarine Mejia.

Sino ka? Kapatid ba kita? Anak ka rin ba ni Papa Noah? Isa ka rin bang praestanus?

Pero hindi s'ya gumamit ng praestanus ability sa kanyang pakikipaglaban.

"I'm so sorry at hindi kita nailigtas. Kayong dalawa ni Harlow."

Narinig kong may nagpa-punch ng passcode sa kwarto ko. Hindi ako gumalaw. Alam ko kung sino ito. S'ya lang naman ang may alam ng passcode ko. When the door opened and closed again, hindi pa rin ako umimik. Hinintay kong sigawan n'ya ako o kaya ay ibalibag sa dingding. Pero walang nangyari sa mga naisip ko. Pabagsak siyang humiga sa tabi ko at inilagay sa likod ng ulo n'ya ang dalawang kamay.

Anong ginagawa n'ya dito?

Hindi s'ya nagsalita. At dahil nakadapa ako at sa direksyon n'ya nakaharap ang mukha ko, kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata n'ya.

"You saw her," mahina ang boses n'ya at halatang malungkot.

"Y-Yes," sagot ko.

"How was she?"

Sasabihin ko ba ang nakakaawang hitsura ng fiancée n'ya?

"She was weak. But surviving."

Malalim siyang huminga. "I've been tracking her for a year now. Still, no success."

New SpeciesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon