Thirty-one
"Ayon sa mga saksi na umabot halos isandaan katao, may apat na lalaki at dalawang babae ang tumulong sa mga biktima ng bombing sa loob ng sinehan ng isang mall dito sa syudad. Ngunit ang sabi nila, ang anim na mga superheroes na ito ay pinatay ang apoy at dinefuse ang mga bomba gamit lamang ang kanilang mga kamay. Dagdag pa ng mga miyembro ng security personnel, paramedics at bomb squad, in-absorb ng isa sa dalawang babae ang apoy papunta sa kanya at ginawa iyung malaking bolang apoy na pinaikot-ikot pa niya sa ere bago naman nagbukas ng tila isang black hole ang isa pang babae at doon nila itinapon ang bolang apoy. Sa kasamaang-palad, hindi nakita ng mga saksi ang kanilang mga hitsura. Ang tanong ngayon ng buong bayan, mga ordinaryong tao ba sila o meron silang ibang kakayahan? Totoo nga bang merong mga superheroes dito sa ating bayan?"
Pinatay ni Hugo ang news report na ipinakita nila sa amin dito sa loob ng Council Room. Nandito ang buong council, si Hugo, si Griffin, Calix, Colton at ako. Hindi isinama sina Riley at Everett dito sa kaso na ito dahil hindi naman sila taga-rito. Pwede nilang gawin anuman ang gusto nilang gawin dahil hindi naman sila sakop ng bayan na to.
Nakaupo kami sa harap ng isang mesa na half-moon shape. Nakaupo sa likod niyun ang pitong miyembro ng council. Si Hugo naman ay may sariling mesa na nasa front ng mesa ng council. May isang babae na nasa sulok na sa tingin ko ay siyang clerk or secretary siguro.
Si Griffin ay attentive. Paanong hindi? Nasa council kaya ang Mama n'ya. Si Colton naman ay halos tulog na. Papikit-pikit na nga. At si Calix, nakatingin lang sa sahig at panay ang hikab at buntong-hininga. Halatang bored.
"Did you think what could possibly the result be?" tanong ni Hugo sa amin na nakakunut-noo.
"The result? No," mahinahong sagot ni Griffin. Well, thanks to him. We badly need his attitude now. Lalo na at wala yatang pakialam ang dalawang kasama namin.
"So, you mean to say, you were just reckless," si Hugo uli. Tahimik lang na nagmamasid ang council.
"I might agree with that. We planned on doing it discreetly. But we were running out of time, we had to do something to save those people. We didn't expect them to enter the theater."
"And we have been living here to hide our real identity from them for centuries. Centuries Mr. Degray. And now, you're out in the open. Sapiens might not be as powerful as we are but they're not stupid either. Now they are wondering who those six people are. And you Ms. Mejia used your ability in front of the sapiens."
Napatungo ako nang balingan ako ni Hugo. Kasalanan naman talaga namin dahil hindi kami nag-ingat.
"Not to mention na tumakas lang kayo."
Hindi kami sumagot. Sinulyapan ko si Griffin. Seryoso lang ang mukha n'ya. Colton already dozed off while Calix looked like he's gonna follow him in Dreamland.
"What do you suggest na gawin natin to make the sapiens forget about what they saw?"
"Just let them think and show them nothing. Kapag wala silang makitang mga superheroes uli, they will eventually forget," sagot ni Griffin. Bakit lage siyang may sagot? Gan'on ba s'ya kagaling mag-isip?
"Very well. But this doesn't mean that you're not gonna be punished," ani Hugo saka bumaling sa council. So sila ang magpa-punish sa amin?
Ang lalaking nasa pinakagitna ang nagsalita. Katabi niya si Margaux Degray.
"Starting today, you will have a suspension from your school that will be good for a month."
That's not bad. As if naman gusto kong pumasok di ba.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasiaSi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...