Eight
Kasama kong naghapunan ngayon sina Hugo, Declan, Camila, Calix at Colton. Hindi ko alam kung nasaan sina Griffin at Fallon. Wala rin sila kaninang umaga sa limousine n'ong pumasok kami sa kanya-kanya naming schools.
"Kailan ang balik nina Griffin?" tanong ni Hugo.
Wala akong paki. Sana wag nang bumalik yun. Teka nasaan ba talaga sila?
"Nakauwi na sila kaninang hapon Leader," sagot ni Colton.
"Anong balita?" agad na tanong ni Camila. Bakit para siyang kinakabahan?
"Hindi po nila naabutan. Isa lang iyung empty na research facility."
"Siguro ay inilipat nanaman nila si Harlow," malungkot na sabi ni Camila.
Harlow? Hinahanap nila si Harlow?
Marahas na umiling si Hugo. "Kailan kayo makikinig sa akin? I told him to stop it. You are just giving false hopes to yourselves."
"We didn't find her body, Hugo. That's reason enough to believe that she's still alive."
"And if we find her body, what will you feel? You will be devastated."
"It's better than being like you. You're her father pero parang balewala lamang sa'yo ang lahat."
"That's not true."
"The hell it's not. You gave her up for this half-human niece of yours!" she pointed at me angrily.
I was so shocked with her sudden outburst. Anong kinalaman ko dito?
"Ma!" pati si Declan ay nagulat din.
"What!? Hindi n'yo sasabihin na dahil sa kanya kaya nawala ang anak ko?"
"Declan, take your mother away from here," mahinahong baling ni Hugo kay Declan at agad naman itong sumunod.
Hinawakan n'ya ang ina at marahan itong hinila.
"That bitch doesn't belong here. Go back to your low-class life!" sigaw pa nito bago tuluyang mawala sa paningin naming lahat.
Naiwan kami dito na puro tahimik.
Tiningnan ko sila isa-isa. Yumuko lang sina Calix at Colton. Si Hugo naman ay parang tulala na nakatingin sa kawalan.
Ako ang dahilan ng pagkawala ni Harlow?
Paano naman nangyari yun?
"Care to tell me what happened?" I said without really asking someone specific.
Marahas na bumuga ng hangin si Hugo.
"Devereaux, Monreau, tell her. But make sure she gets her training tonight."
Tumayo ang dalawa at sabay na yumuko.
"Opo."
Tumayo na rin si Hugo at tinapik ako sa balikat. "Remember, I did everything I did for our family and race," aniya bago lumabas ng dining room.
"Piper, sumunod ka sa amin," sabi ni Calix kaya agad naman akong tumayo at sumunod sa kanila.
Dinala nila ako sa isang malaking kwarto na puno ng portraits. Para itong art gallery.
Ang wall sa kaliwa ko ay puno ng medyo maliliit na portraits.
"Sila ang lahat ng naging Kings and queens dito," ani Colton.
Ang dami nila. Sila ang mga pinuno dito for almost six decades.
So nandito ang portrait ng ina ko? Lumapit ako sa pinakahuling frame.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...