Eighteen: It's At It Again

14.7K 632 21
                                    

Eighteen

I was about to close my eyes when I heard him laughed. Halos kapusin na siya ng hininga dahil sa kakatawa. Ang laki pa ng bunganga n'ya kaya kita ko na ang ngala-ngala n'ya.

Nakakainis!

Tinulak ko s'ya kaya nahulog siya sa sahig. Medyo kinabahan pa ako. Baka kasi magalit. Pero hindi man lang siya tumigil sa kakatawa.

"Your face...hahaha!" tinuro-turo n'ya pa ang mukha ko. "You look like a tomato now."

Gan'on?

"Talaga? Pagtatawanan mo ako?" I gave him a death glare. I tried to cover up my embarrassment by acting angry. Bakit ba may papikit-pikit pa akong nalalaman?

He would never kiss me the way I thought I would be kissed.

Wait! Did I just say the way I thought I would be kissed? Gusto kong batukan ang sarili ko. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ako tanga para mag-fantasize sa lalaking monster na 'to na engaged to be married na. Nandito ako sa kwarto n'ya para sa internet n'ya.

"Why do you look upset?" nakatayo na pala siya.

"I'm not," sagot ko sabay tingin sa may bintana. "Ay!" nagulat na lang ako nang bigla akong umangat. "Hey put me down!"

Bigla n'ya na lang akong binuhat at ibinagsak sa kama n'ya at bago pa ako makabangon ay nakadagan na siya sa akin.

"What the hell are you doing!?" pinandilatan ko s'ya ng mga mata.

He didn't answer me. Nakatitig lang siya sa akin. Unti-unti akong nanghihina dahil sa mga titig n'ya. Para n'ya akong tinutunaw. Tingin pa lang yan.

He looked at my lips kaya napalunok ako.

God! No!

"Are you upset that I didn't kiss you?" he said while smirking. Nakatitig na siya sa mga mata ko.

"What!? Of course not!"

"Talaga lang ha?" bahagya n'yang inilapit ang mukha n'ya sa akin kaya nag-panic ako.

"Y-You're not supposed to anyway. You're engaged and your fiancée's life is in danger!" sigaw ko sa kanya para matauhan s'ya.

And to save myself also.

Ayokong paglaruan n'ya ako ng ganito. Alam kong gwapo s'ya at malakas ang hatak sa babae kaya hindi imposibleng mahulog ako sa kanya pero hindi ko hahayaang maging pastime n'ya.

Nakita ko ang pagtiim ng bagang n'ya bago s'ya pabagsak na nahiga sa tabi ko.

Oh ano ka? Guilty ka ngayon?

"You don't know anything," mahina niyang sabi.

"A-Anong ibig mong sabihin?"

"Tayo ka na d'yan," aniya saka mabilis na tumayo at muling nagsuot ng uniform n'ya.

Mabilis ko ring inayos ang sarili ko. Ang taong to napaka...ewan. Yung mood n'ya ewan din. Alam ko namang maraming mga tao ang out of sight, out of mind ang motto pero hindi ko in-expect na gan'on din si Griffin. I saw how eager be was in taking Harlow back. Pero ano itong ginagawa n'ya sa akin ngayon?

Tahimik lang kami habang pabalik na sa school. Parang ang lalim ng iniisip n'ya base sa pagkakakunot ng noo n'ya. Hindi ko talaga nabasa ang lalaking to.

I don't know anything daw. May dapat ba akong malaman tungkol sa relasyon nila ni Harlow? He said Harlow was irreplaceable. Anong ibig sabihin n'on?

Days passed at hindi na muling nagfi-flirt si Griffin sa akin at bumalik din ang pagkasuplado n'ya pati ang mga harsh n'yang salita. Pero minsan nand'yan pa rin ang maliliit niyang gestures lalo na kung may kailangan ako at wala akong mapagsabihan dahil nga sa loner ako. Tulad na lang ng hapong ito. Nasa library ako ng Superior Senior High at gumagawa ng homework. Kailangan ko iyung tapusin ngayon dahil bukas na ang deadline niyun. Tinamad kasi ako kaya heto, cramming.

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon