Fifty-two: The Only Salvation

15.4K 602 64
                                    

Fifty-two

Nakatingin ako ngayon sa eroplanong maghahatid sa amin papunta sa isla. Handa na kaming sampu para sa misyon. Kahit na labag man sa loob ng hari ay matigas ang ulo ng mga anak niya. Wala ring nagawa ang mga magulang ng Goodwin brothers. Hindi ko alam kung pinayagan o tumakas lang din ang mga kaibigan ni Perrie.

"Let's go?" untag sa akin ni Saint. Inaayos n'ya ang suot na diving boots.

Pumasok na kami sa loob niyun. Kanya-kanyang upo kami sa bench na naroon. Magkaharap ang dalawang benches na konektado sa wall ng plane. Para iyung carrier plane ng mga sundalo na ginagamit nila sa tuwing tatalon sila sa ere.

Na siyang plano namin.

Ilang reviews pa ang ginawa ni Saint sa plano habang nasa byahe kami. May tatlong oras pa ang hihintayin namin kaya naisipan na lang ng iba na matulog tulad nina Astrid at Harlow na nakasandal sa isa't isa at si Carlisle na nakasandal naman sa wall ang ulo. Makeup at fashion naman ang topic nina Perrie ngayon na silang nakaupo sa tapat namin. Ako ang nasa gitna naman sa side namin. Nasa kanan ko si Harlow at katabi n'ya si Astrid doon habang sa kaliwa ko naman si Saint na katabi naman si Carlisle sa kabila

"Sana magtagumpay tayo," mahinang sabi ni Saint. More like kinakausap n'ya lang ang hangin.

Hindi ako sumagot. Sisiguraduhin kong magtatagumpay kami no matter what.

Huminga na lang ako ng malalim upang mabawasan man lang ang kabang nararamdaman ko. Hindi ito magiging madali. Baka may ibang buhay pa ngang masasawi dahil sa sampu lang kami laban sa libo-libong kalaban.

Malalim akong nag-isip. Pilit na pinapalakas ang sarili ko hanggang sa hindi ko namalayang dinalaw na rin ako antok.

Si Griffin, nakangiti siya sa akin. Nakatayo lang siya habang ang kanang kamay niya ay inaabot ako. Nasa likuran niya ang lahat ng mga kaibigan namin. Lahat sila ay nakaputi at tila sila nag-i-sparkle sa tindi ng liwanag sa paligid.

"Piper, tulungan mo kami," ang lamig ng boses ni Griffin but it wasn't soothing. It felt like his voice came from under the ground.

"Griffin..." gusto kong abutin ang kamay n'ya ngunit hindi ko magawa

"Piper...kailangan ka namin..."

"Malapit na ako."

Dahan-dahan silang lumalayo

"Griffin! Griffin wag mo akong iwan! Griffin!" sumigaw ako ng malakas.

"Piper! Piper gising"

Nagpa-panic na binuksan ko ang mga mata ko. Una kong nakita ang nag-aalalang mukha ni Saint. Napansin kong nakatayo silang lahat at nakatingin sa akin.

"Anong nangyari?" tanong ko as I composed myself.

"You were screaming in your sleep," sagot naman ni Astrid.

"Who is Griffin anyway?" maarteng tanong ni Perrie.

"Sino pa nga ba? Eh di boyfriend n'ya," maangas namang sagot ni Harlow.

"May boyfriend ka?" ani Saint.

"Boyfriend?" mahina lang ang pagkakasabi ni Carlisle pero narinig ko iyun.

Napahinga ako ng malalim. Wala kaming pormal na usapan ni Griffin tungkol sa aming dalawa but the word boyfriend sounded so right.

"So, we are going there just to rescue your boyfriend? Dinamay mo lang pala kami sa landi mo," ani Amy.

"Oo nga," agree naman agad ni Pearl na nalaman kong pinsan pala ni Amy.

"What?" hindi ko s'ya agad nakuha. Ano raw?

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon