Nineteen
Bigla kong naimulat ang mga mata ko nang maramdaman ang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa paligid at litong lihim na napamura.
Nasaan ako?
Puti ang buong kwarto at walang kahit na anong gamit dito maliban sa hospital bed kung saan ako nakahiga at sa napakalaking salamin na parang sakop na ang isang buong side ng wall. Kita ko ang reflection ko doon. I was so pale and the white hospital gown was just making it worse. Para akong taong gawa sa papel.
Bakit ba ako nandito? At nasaan ba ako?
I tried to remember what happened before I got in here.
Agad namang bumaha sa alaala ko ang nangyari. The energy that gushed through me, at the library, sina Griffin at Calix, at the woods, Hugo, the Council and then Maddox.
Si Maddox! Nakabalik na s'ya.
Agad akong napabalikwas ng bangon. Nandito na s'ya, ibig sabihin, nahanap na niya si Papa. Nandito si Papa!
Bumaba ako ng kama kahit na nanghihina ang mga tuhod ko. Struggle ang nangyaring paglalakad habang papunta ako ng pinto. But when I grabbed the doorknob and tried to open it, I couldn't.
It was locked!
Anong ibig sabihin nito? Pinihit ko uli ang doorknob. Hindi ko talaga mabuksan.
"Buksan n'yo to! Palabasin n'yo ako dito!" sumigaw ako ng malakas. "Open this goddamn door!"
Walang sumagot sa akin.
I tried several times pero ayaw talagang mabuksan. Nanghihinang napaupo ako sa sahig at sumandal sa wall katabi ng pinto.
Bakit nila ako ikinulong dito?
Kailangan kong makausap si Papa. Miss ko na s'ya at ang dami kong tanong sa kanya.
Praestanus ba s'ya?
Sino si Clarine? Kapatid ko ba s'ya?
Sino ang pinagtataguan n'ya?
Hindi ko na namalayan kung gaano ako katagal na naupo sa malamig na sahig na ito nang narinig ko ang marahang pagbukas ng pinto kaya mabilis akong napatayo.
"Thayne!" gulat kong sabi nang naisara n'ya ang pinto.
"Piper, kumusta ka na?" nakangiti n'yang tanong. Naka- school uniform pa rin siya at may dala siyang tray na puno ng pagkain.
"I-I'm fine now. Gusto kong lumabas."
Umiling s'ya. "Hindi pa pwede. Hindi pa rin humuhupa ang kapangyarihan mo. Pag lumabas ka, mahihigop mo lang ang mga kapangyarihan nila."
"So bakit ka nandito sa loob?"
Inilapag n'ya ang tray sa bed saka nakangiting humarap sa akin. "Akalain mo yun? Ako lang pala ang makakalapit sa'yo pag ganito ang sitwasyon mo?"
"Huh?"
"Napag-alaman namin na sa mga Full-bloods lang umiepekto ang..."
"Just give her the fvcking food Plebeian!" nagulat na lang ako nang marinig ang matigas na boses ni Griffin mula sa kung saan. I looked around pero wala naman siya.
"Hehehe. They're in the control room right now and they can see and hear us. Yang salamin sa wall, that's a one way mirror."
Bigla akong nakaramdam ng matinding galit. Kanina pa pala nila ako binabantayan. Inoobserbahan. Hinayaan lang nila ako dito sa loob.
"Why the hell are you keeping me here!?" sigaw ko na nakaharap sa salamin. "Ipalabas n'yo ako dito! Let me see my father! I know he's here! Nakabalik na si Maddox!"
BINABASA MO ANG
New Species
FantasíaSi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...