Forty-eight
Naningkit ang mga mata ko nang makitang nagtapon nanaman ng kung anong basura si Kamahalang Carlisle sa pool side. Kanina n'ya pa ako inaalila. Pinaglinis ng kwarto n'ya, pinaggawa ng kanyang snack, pinagdilig ng mga halaman, pinagtanim ng mga gulay sa kanilang garden at marami pang iba.
Pagod na pagod na ako pero hindi n'ya pa ako pinapauwi.
"Pwede ba? Tigilan na natin 'to! Nakakainis ka na!" singhal ko sa kanya.
At ang loko ngumisi lang. "You are my personal maid. Remember?"
Ngumiwi ako. "You are so childish."
Nagkibit-balikat siya ngunit nanatili ang kanyang mala-demonyong ngisi. "So?"
"Enough of this, Carlisle. You are being ridiculous," biglang dumating dito sa pool area si Saint. As usual, he looks smokin' hot.
"You want me to keep your secret, right?"
Napabuga ako ng hangin. "You are so evil. Ang sarap mong patayin."
"Now, now. Calm down there," aniya saka lumapit sa amin. His evil grin never fading. "Hindi naman ako gan'on kasama eh. Di ba big bro? You know me."
"Kaya nga nagtataka ako kung bakit mo 'to ginagawa," sagot naman ni Saint.
"Well, I did this for fun lang naman."
What? For fun lang ang alilain ako dito?
"What do you really want?" halos umusok na ang ilong ko sa galit.
"Well, alam n'yo naman na habulin ako ng mga chicks di ba?"
Shiiiiit. Gusto kong masuka. Napakayabang talaga ng gago na 'to.
"Iniiwasan ko naman sila after ko silang pagbigyan na maka-date ako for a day. You see, they won't let me go."
"You're a hopeless case Carlisle. I need to go inside," pabuntung-hininga na sabi ni Saint saka sinulyapan ako na tila sinasabi n'yang 'I'm sorry.'
I gave him a 'help me please' look pero hindi n'ya iyun pinansin. Pumasok na talaga siya sa bahay nila. Kaya heto ako. Halos dumugo na ang mga tenga ko sa kayabangan ng Carlisle na 'to.
"At dahil maraming babaeng naghahabol sa akin, as in marami, I need to get rid of them."
Alam kong lukot na lukot na ang mukha ko ngayon pero hindi ko na talaga mapigilan ang facial expression ko.
"Ano naman sa akin kung gusto mo 'silang' alisin sa buhay mo?"
"You will help me," aniyang nakangiti.
Teka, teka. Alam ko 'to eh. Napanood ko na ang technique na ito sa mga pelikula.
Magpapanggap ang babae na dyowa ni lalaki para wala nang ibang babaeng lumapit.
"Sus. Gasgas naman ng style mo. Bulok na yan. Kasing bulok ng pagkatao mo. Sorry ka. Hindi maniniwala ang mga tao na magdyowa tayo. Halos kasi magpatayan na tayo since the first day we met. No, no. Hindi uubra yan."
Tumaas ang kilay n'ya. "What?"
"Sabi ko hindi ako papayag na magpanggap na dyowa mo."
"At sinong nagsabing...?" He paused and looked at me like I'm some kind of a sicko. And he burst into laughter.
Problema nito? Baliw lang?
"Assuming ka naman masyado," he said in between laughter. Nakahawak pa siya sa tiyan na.
"What's funny?"
"You are funny. Feelingera ka rin no? Wala akong sinabi na magpanggap ka."
"What?"
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...