Forty-three
Pinunasan ko ang luhang tumakas mula sa mga mata ko saka ako pumikit. Malamig ang simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi.
Nandito ako ngayon nakaupo sa itaas ng isang burol na puno ng iba't ibang uri ng bulaklak. Sa baba ay kita ko ang asul na dagat at ang buong bayan ng Aether.
Tatlong linggo na ang lumipas mula nang makarating kami sa bayan na ito at bawat araw na lumipas ay parang parusa sa akin.
Naiisip ko ang mga kaibigan ko, ang mga kababayan namin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila.
Wala ni isa sa kanila ang sumunod sa amin dito.
Ayaw kong isipin na may masamang nangyari sa kanila. Araw-araw akong nag-aabang dito, nagmamasid sa kanilang main port, nagbabasakaling isang araw ay nandito na sila.
"Nandito ka nanaman..."
Napatingin ako sa may likuran ko at nakita ko si Harlow na kakarating lang dito sa tuktok ng burol.
"Tingin mo susunod sila?" mahina ang boses na tanong ko.
Naupo siya sa lupa at sumandal sa puno na nasa may di kalayuan.
"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung aasa pa ba ako."
Nang dahil sa nangyari ay hindi na kami nag-aaway ni Harlow. Hindi naman kami close pero civil kami sa isa't isa. Besides, she's the only family I got now.
Blood is thicker than water indeed.
Tahimik lang kaming nakaupo doon at nagmasid sa paligid.
Malaki ang bayan ng Aether. Nasa isang isla iyun. Maraming magagandang bahay, at gumagamit sila ng mga high tech na gadgets tulad ng cellphone, TV, computer, internet at iba pa. In-enjoy nila ang buhay nila.
"Hinanap ka pala ni Astrid kanina," bigla ay sabi ni Harlow pagkatapos ng ilang minutong pananahimik.
Napailing ako. Si Astrid ang panganay na anak ng hari ng Aether. She's nineteen years old pero ang ugali n'ya ay parang bata. Napaka-childish kahit mas matanda pa kesa sa amin.
"Ano nanaman kaya ang kailangan n'ya?"
"Lage naman 'yung walang kailangan. Naghahanap lang ng atensyon," nakaismid na sagot ni Harlow.
Yeah. Napansin ko rin 'yun.
"Babalik na ako sa bahay," ani Harlow sabay tayo. Pinagpag n'ya muna ang suot na mahabang palda saka ako iniwan.
I heaved a deep sigh.
Three weeks ago, nagising na lang ako dahil sa ingay na nagmula sa paligid.
"Ano'ng nangyayayari?" kinusot ko ang mga mata ko. Mahapdi ang balat ko dahil ilang araw na kami dito sa laot. Isda ang lage naming kinakain. Nagagamit naman ni Harlow ang apoy niya kaya nagagawa naming lutuin ang nahuhuli niyang isda.
Ano ba iyung naririnig ko?
Malalakas na salpok ng alon at sigawan?
Nang nagawa ko nang idilat ang mga mata ko, tumambad sa paningin ko ang isang malaking isla na may maraming bahay, fishing boats, at maraming tao na nakatingin sa amin.
Nandito pala kami sa isang malaking seaport.
"N-Nasaan tayo?"
"Aether City," yun lang ang sagot ni Harlow saka siya tumayo.
Aether City? Paano kami nakarating dito?
"Sino kayo?" isang malaking lalaki ang nagtanong sa amin. Nakasuot siya ng uniporme na parang sa isang police. May dalawa pa sa likuran n'ya.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...