Thirty
Hindi maalis sa isip ko ang tungkol sa libro na natanggap ko mula sa estrangherong iyun kanina. Nakabalik na kami sa hotel at itinago ko iyun sa backpack na dala ko and I acted casual kasama ang mga kaibigan ko.
"Ito na lang, kung papipiliin kang makasal between Piper and Riley, sino ang pipiliin mo?" tanong ni Calix kay Everett. Naglalaro kasi silang tatlo ni Colton ng baraha dito sa kwarto.
"Siempre, si Riley. Isa pa, may magpapakasal na kay Pipay no. Ayoko namang kainin na lang ako bigla ng lupa," natatawang sagot ni Everett. Wala talagang matinong topic itong dalawa. Kanina pa sila sa mga showbiz na tanong na yan.
"Alam n'yo, matulog na kayo. May lakad pa tayo bukas di ba?" naiinis nang sabi ni Riley. Kanina pa kasi niya gustong matulog pero ang iingay lang nila.
Humiga na ako sa tabi ni Riley at pinatay naman nila ang ilaw. Naririnig ko pa silang nagtatalo dahil hindi sila kasya sa higaan nila.
Hmp! Bahala sila. Basta matutulog na ako.
I was already dozing off when I suddenly felt a warm body right next to me. Kainis talaga to si Riley. Maluwang naman ang bed namin sumisiksik pa sakin. I pushed her. Being half-asleep, parang panaginip lang itong tulakan namin. I was almost in dreamland when an arm wrapped me in a tight hug.
"Tss. Usog ka nga d'on Riley Falcov!" asik ko sabay tulak sa kanya.
"That's not me," narinig ko ang boses ni Riley na malayo sa akin.
Gulat na napatingin ako sa taong nakayakap sa akin mula sa likuran ko.
"Griffin," I gasped.
"Just sleep. Masikip ang kama namin," aniyang nakapikit at mukhang komportableng-komportable.
The heck!?
I pushed him. "Bumalik ka nga sa kama n'yo."
Gosh. Ang uncomfortable naman pag magkatabi kaming matulog.
"Wag ka na ngang maingay," his voice was really sleepy. And before I could answer him, I felt his body relaxed at lumalim na ang paghinga n'ya.
Tulog agad?
Haay naku. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Muli akong humiga at tinalikuran siya. Tinanggal ko na rin ang braso niyang nakayakap sa beywang ko. Hindi naman siya pumalag dahil tulog na nga. Bahagya akong lumayo sa kanya and tried to go back to sleep.
Nagising ako kinabukasan dahil sa mahinang hagikhik ng kung sino. When I opened my eyes, una kong nakita ang payapang mukha ni Griffin. Tulog pa rin siya at hindi na ako nakatalikod sa kanya. But what really caught my breath was his distance. Ang lapit-lapit n'ya sa akin na maglalapat na ang mga mukha namin kung gagalaw ako ng konti. And his strong arm was wrapped around my waist na para bang ayaw n'ya akong makawala.
"Pffft."
Natigil ako sa pag-oobserba ng closeness namin ni Griffin nang marinig ko nanaman ang mahinang hagikhik na yun. Lumipad ang tingin ko kay Riley na pasekretong kinukuhanan ng pictures ang mga lalaking natutulog. And I understood why she was doing that.
Si Colton kasi, nakanganga ang bibig at nakabukaka ang mga paa. Nakahiga sa dibdib niya si Calix at nakayakap pa sa beywang n'ya na parang babae lang. Samantalang nakahiga naman sa may puwetan ni Calix ang ulo ni Everett. As in face down.
Seriously, paano ba matulog ang tatlong to? Ang lilikot siguro.
Inalis ko ang kamay ni Griffin mula sa pagkakayakap sa beywang ko at dahan-dahang umalis sa kama.
"Uy beshy, ikaw ha. Lumalandi ka na," natatawang komento ni Riley nang makatayo ako.
Napangiwi naman ako sa term na ginamit n'ya. Lumalandi talaga? Hindi pwedeng luma-lovelife?
BINABASA MO ANG
New Species
FantasiaSi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...