Three
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malawak at napakataas na stairs na gawa sa bato. Nakatayo na kami ngayon sa isang dock na gawa sa semento kung saan dumaong ang speedboat. Mukhang inukit lang sa malaking bato na ito ang stairs na ito na sa tingin ko ay aabot yata ng one hundred plus steps. And guess what? Aakyat daw kami dito para makarating sa castle na nasa tuktok ng hill na ito.
The hell lang. Hindi ako sanay sa mga ganitong gawain. Lage lang akong nagbabasa, kumakain at kung anu-ano pang activities na tanging pag-upo lang ang requirement.
"Ready?" nakangiti nanaman si Calix.
Wag mo akong ngingiti-ngitian. Hindi madadaan sa pa-cute ang hinaharap kong problema ngayon. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Tumango na lang ako dahil alam kong wala akong choice. Nauna nang umakyat sina Fallon at Colton. Mukhang sanay na sanay na sila sa stairs na ito dahil nagawa pa nilang magkwentuhan habang paakyat. Si Calix ang kasabay ko na siyang may bitbit ng malaki kong luggage na feeling ko ay kay gaan lang para sa kanya samantalang nakasunod sa amin si Toby na nakapamulsa lang at sumisipol ng 'We Wish You a Merry Christmas '. Addict din itong si Toby eh. August pa kaya ngayon. Matagal pa pasko.
Nakailang steps pa lang ako at pakiramdam ko ay bibigay na ang mga tuhod ko kaya huminto na muna ako. Ano ba namang klaseng parusa ito?
"You okay?"
I gave Calix a death glare.
Tumawa naman siya. "Sabi ko nga hindi ka okay."
Hindi na ako sumagot. I sighed bago nagpatuloy sa pag-akyat. Naiinis ako ngayon. Bakit dito ako ipinadala ni Papa sa weird na lugar na ito? And my friends. Oh my gosh. Hindi pala ako nakapagpaalam kina Riley at Everett. Lagot ako sa dalawang yun. Ite-text ko na lang sila mamaya.
At last. Nakarating din ako. Nakarating din ako sa kalahati.
"Kaya pa ba Ms. Piper?" narinig kong tanong ni Toby na nakasunod pa rin.
Hindi na ako sumagot. Feeling ko kasi kailangan kong i-conserve lahat ng natitira kong energy para maka-survive ako.Tumingin ako kina Fallon. Hindi ko na sila nakita. Nasa taas na sila? Nakarating na sila?
Ang bilis naman yata.
Umabot yata ng isang oras bago kami nakarating sa tuktok. Tagaktak ang pawis ko at hinihingal ako. Yumuko ako at ipinatong ang dalawang palad sa mga tuhod ko. I needed to breathe deeply. Halos malagutan ako ng buhay sa ginawa naming pag-akyat.
"Okay ka lang?" lumapit sa akin si Calix at inilapag sa lupa, no, sa well-trimmed Bermuda grass, ang luggage ko.
"I'm fine," sagot ko. Napalingon naman ako sa kadarating lang na si Toby. Nakapamulsa pa rin siya at ang sinisipol niyang tono ngayon ay ang nursery rhyme namang 'Water Melon'.
Hindi ba siya napagod? Nakaubos yata siya ng fifty songs habang paakyat. Kasama pa doon ang National Anthem.
"Welcome to your new home, Ms. Piper," bigla niyang sabi habang nakalahad ang kaliwang braso sa harapan ko.
Napatayo ako ng tuwid nang makita sa harapan ko ang bungad ng castle. Ang ganda. Gawa yata sa marmol ang buong kastilyo. May mga towers pa. Sa left side ko ay isang napakalawak na open space na may Bermuda grass na maayos ang pagka-mow. Sa right side naman ang isang malaking hedge maze.
"Welcome, Piper."
Napatitig ako sa mga taong nakatayo sa mismong entrance ng castle na mataas at malaking double door lang naman.
May mga babaeng nakasuot ng uniform na pang-maid yata, may mga lalaking naka-black suit, may isang matandang babae na naka-gray business suit, isang lalaking nasa late twenties na yata na gwapo rin at sa pinakagitna nila ay isa pang lalaki na nasa late forties na siguro. S'ya iyung nagsalita kanina I believe.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...