Twelve: Accident

17.4K 701 36
                                    

Twelve

Kasama ko ngayon sa mesa sa napakagarang cafeteria ang buong Team 2, except pala kay Griffin. Bigla na lamang siyang umalis nang dumating sina Calix. Panay ang tanong ni Calix sa akin, si Fallon naman ay deadma habang nagbabasa ng libro samantalang nakikinig lang ng music si Colton sa kanyang parang iPod pero hindi naman mukhang apple na may kagat iyung logo. Siguro ay gawa iyun dito sa loob.

"Okay ka lang ba talaga, Piper?" tanong uli ni Calix. Honestly, naririndi na ako. Pang-one hundred times na yata niyang tanong iyan. Paulit-ulit lang.

"Isang tanong pa Calix pipiktusan na talaga kita," banta ko sa kanya.

Naka-miss na ako ng isang klase at wala naman akong ginagawa dito kundi ang tumunganga. Naiinis na ako kaya ang bilis kong mairita.

"Ito naman. Concerned lang po ako," naka-pout na sagot ni Calix.

Umiling na lang ako. Ang kulit talaga. "Babalik na nga ako sa school namin."

"Hindi nga pwede di ba. Sabi ni Griffin maghintay tayo dito."

"Eh nasaan ba kasi iyung captain n'yo?"

Nagkibit-balikat lang siya.

Tss.

Ilang sandali pa ay bumalik na ang monster na at the same time ay knight in shining armor ko. Seryoso lang ang mukha n'ya habang suot lang ang pang-ilalim na uniform. Nasa balikat nito ang coat.

"Saan ka galing, Finn? Tapos na ba?" tanong ni Fallon. Isinara n'ya ang binabasang libro kaya sinilip ko kung ano iyun.

Fifty Shades Darker.

Kunot noong napatingin ako kay Fallon. Nagbabasa s'ya ng ganito? Really? Alam kong sikat ang trilogy na yun pero hindi ko makita sa personality n'ya ang nagbabasa ng gan'on. Dapat kasi yung mga horror ang binabasa n'ya o kaya ay mga thriller. Hindi romance. Matapang kasi siya.

"Matagal silang natuto," tanging sagot niya. "Let's go. We're late," aniya kaya nagsitayuan na sila.

Ako?

Heto naiwan. Hindi naman nila ako classmate. Tumayo na rin ako para bumalik sa school namin nang biglang dumagundong ang boses ni Griffin.

"Where the fvck are you going!?"

Napapikit ako bago siya dahan-dahang binalingan. "School?"

Hindi na ako naka-react nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang kanan kong palapulsuhan. Kinaladkad nanaman niya ako.

Nakakainis talaga. Hindi naman kasi ako taga-rito sa school nila. Nakakaagaw na kami ng atensyon and I hated that. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Ang higpit ng hatak n'ya sa akin. Hindi na umimik sina Fallon at Colton samantalang napailing lang si Calix.

Pumasok kami sa isang magandang classroom sa second floor. Mas magaganda ang facilities nila dito compared sa Plebeian. Pinaupo n'ya ako sa isang upuan na may pang-isahang desk. Just like the rest.

"Finn, bakit d'yan mo s'ya pinapaupo?" tanong ni Fallon.

Napatingin ako sa mga tao sa paligid. Nakakunut-noo sila habang nagmamasid sa amin.

Ano naman ngayon kung dito ako pinaupo?

"Because that seat is vacant," sagot ni Griffin na naupo na rin sa right side ko.

"But that seat... Wala pang ibang nakakaupo d'yan. Ni ayaw mo nga akong umupo d'yan eh."

"That's enough, Fallon. Bakante naman talaga yan," ani Calix saka naupo na sa mismong likuran ko. Si Fallon naman ang sa left side ko at sa likod n'ya si Colton.

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon