Twenty-five: Secretly

15K 583 170
                                    

Twenty-five

Sabay kami ni Riley pababa ng hagdanan. Nakasunod naman sa amin si Everett. Kami na lang tatlo ang natira sa kwarto dahil iniwan kami nina Griffin, Maddox, Calix at Maisie. Buti pa sina Calix, nagpaalam na lalabas. Hindi tulad ni Griffin na basta na lang tumakbo.

Nakita ko silang nagkakagulo sa may bulwagan ng kastilyo. Sa mismong entrance. Nandoon sina Hugo, Camila, Declan, Lola Vernice, Calix, Maisie, Maddox, Fallon, Colton, Griffin at marami pang iba. Pinagkakaguluhan nila ang isang babae na namumutla at payat. Gan'on pa rin ang hitsura n'ya mula n'ong muntik ko na siyang ma-rescue.

Sa totoo lang, masaya akong nandito na s'ya.

Pero paano?

Griffin was hugging her tightly. Halos maiyak pa s'ya sa tuwa. Hindi pa man siya tapos ay inagaw naman ito nina Calix at Fallon.

Tumatawa si Griffin habang nakatingin sa babaeng hindi n'ya binibitawan ang kamay kahit na nakayakap ito kay Calix.

Bakit naninikip ang dibdib ko? Parang hindi ako makahinga ng maayos. Alam kong hindi ko dapat maramdaman ito. Alam kong mali. Pero siya ang pilit na lumapit sa akin para makipagkaibigan.

Nakita kong napasulyap s'ya sa akin at kitang-kita ko ang pagbabago ng ngiti n'ya. At bago ko pa man mapangalanan yun ay binawi na n'ya ang tingin n'ya.

"Piper!" napalingon ako sa biglang lumapit sa akin at hinila n'ya ako palapit kina Harlow.

"Declan," nahihiya ako.

"You have to meet her," aniyang nakangiti.

Ngumiti na rin ako at nagpahila. Excited ako na ma-meet ang isa ko pang pinsan. Sana magkasundo kami.

"Harlow, I want you to meet someone," ani Declan kaya nabaling sa amin ang atensyon ng lahat.

Tiningnan ako ni Harlow mula ulo hanggang paa at balik sa mukha ko bago n'ya ako tinaasan ng kilay.

Uh oh. Wrong move yata kami ni Declan.

"Who the hell is she?" aniyang pinanliitan ako ng mga mata.

Hindi kami nakakilos ni Declan maging ang ibang naroon ay natigilan. Lumapit sa kanya sina Fallon at Camila. All three of them looked at me like I was some kind of a nuisance.

"Ah...she's Tita Eliana's daughter. She's Piper, our cousin."

"I don't have a human cousin," malakas niyang singhal sa kuya n'ya.

"Harlow! Stop it!" saway ni Hugo na napalapit sa akin.

"What!? I can't say what I want now?"

"Let her, Hugo. Isang taon nawala ang anak ko dahil sa babaeng yan. She deserves to be treated like a princess," ani Camila.

"Both of you, shut up! You are talking to the next queen!"

Tumawa ng pagak si Camila.

"Papa, Griffin is the next king and I will be his wife. So I am the next queen. There's no way na maging queen natin ang isang sapiens."

"Wala kang alam sa mga nangyayari dito, Harlow," ani Declan.

"Right. Because of her!" she pointed at me again.

Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang tustahin kasama ng ina niya. Pero hindi ako ganyang klase ng tao. I looked at Griffin who was looking down at his shoes while Harlow and Camila were still ranting.

"I don't wanna talk about her! Period!" ani Harlow. "I wanna take a shower, and Team 2, let's meet at the Leisure Room. We have some catching up to do," her voice surprisingly changed to a soft one while talking to Team 2.

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon