Thirty-two
Ngayon ko lang naisipang lumabas ng kwarto ko. Dalawang araw din akong nagkulong upang mag-isip. Binisita naman ako nina Riley, Everett at Calix. Si Griffin hindi na uli nagpunta sa kwarto ko tulad ng ginagawa n'ya dati. Sabagay, wala na sa kastilyo ang Team 2. Bumalik na sila sa mga bahay nila.
"Oh Piper, kakain ka na ba?" nakangiting tanong ni Lola Vernice sa akin nang makasalubong ko s'ya sa may hagdanan. Paakyat kasi siya at may dalang tray ng pagkain.
"Opo."
"Heto at dadalhan na sana kita."
Kinuha ko ang tray. Kawawa naman kasi ang matanda. "Salamat po. Dadalhin ko na lang po to sa dining hall."
"Sige."
Akmang tatalikod na ako nang muli n'ya akong tawagin.
"Sana magkasundo na kayo ni Harlow."
Bumuntung-hininga ako. "Wala naman po sa akin ang problema. Sa totoo lang, gusto ko siyang maging kaibigan. Pamilya ko s'ya. Pero ayaw n'ya po sa akin. Galit po s'ya."
"Hayaan mo. Maliliwanagan din yun balang-araw."
Tumango na lang ako saka nagpaalam. Balang-araw? Kelan kaya yun?
Sa dining hall na ako kumain. Tulad ng dati, pinagsilbihan nanaman ako ng mga maids. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportable na may nagmamasid habang kumakain ako.
Pagkatapos kong kumain ay naglakad-lakad ako malapit sa may maze. Maganda ang panahon ngayon. Nakaka-relax. Pagkatapos ay umakyat na ako sa rooftop. Gusto ko mag-isip uli.
Ngunit sa halip na mag-isip ng paraan kung paano solusyonan ang traydor, si Griffin ang pumapasok sa isip ko.
Miss ko na ba s'ya?
Sana naman hindi na s'ya galit sa akin ngayon.
"Tingnan mo nga naman. She's here," napalingon ako sa babaeng nagsalita sa may likuran ko.
Harlow was giving me a smile that looked fake while Fallon was smirking. Anong ginagawa nila dito?
"I'm trying to be alone here, if you haven't noticed," kampante kong sabi saka muling tumingin sa bayan.
"Oh. We don't care," maarteng sagot ni Fallon saka sila sabay na humagikhik.
"Fine. Ako ang aalis. Just leave me alone," I started walking towards the exit.
Ngunit napatigil ako nang biglang may humarang sa daan na apoy. It was a tall wall of fire kaya napaatras ako.
"What do you want?" binalingan ko si Harlow.
"Fun," aniya saka ngumisi at nagtawanan silang dalawa.
Fallon started to create a huge water ball. And before I knew it, she threw it at my direction.
Gulat na napagulong ako para iwasan iyun. Hindi pa man ako nakakabangon ay bigla namang may maliliit na bolang apoy ang papunta sa akin.
"Shit!" hindi ko na napigilang magmura.
Harlow threw another fireball at me pero sinalo ko iyun and I made it disappear into thin air. But then I felt an unexplainable pain from my arm and it scattered to my body in a fast pace.
Damn it!
I used my fire control ability!
Napaluhod ako dahil sa sakit.
"What happened to her?" ani Fallon.
"Now this is interesting. I didn't notice the device immediately," nasisiyahang sabi ni Harlow.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasíaSi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...