Twenty-four
Napayuko ako sa klase ng titig ni Calix sa amin. Nakahalukipkip pa siya na parang Tatay na nahuli ang anak na gumawa ng malaking kasalanan. Nandito kami ngayon sa labas ng mga silid namin. Papasok na sana kami ni Griffin sa mga silid namin nang bigla namang lumabas si Calix mula sa kanya.
"Saan kayo galing? Bakit basa kayo?" tanong niya na daig pa ang interrogation kanina.
"We took a swim!" balewalang sagot ni Griffin. Lumapit siya sa akin at pinunch niya ang passcode ko. Siya na rin ang nagbukas ng pinto ng kwarto ko.
"Without telling me!?" palatak n'ya. "Aba hindi makatarungan yan! Nandoon kami sa interrogation room kasi pinilit mo kami Piper di ba? Pinilit mo kami?" Pinagdiinan n'ya pa talaga ang salitang pinilit. Pinandilatan pa nga n'ya ako ng mga mata.
"Calix naman, biglaan kasi eh," sabi kong nag-peace sign pa sa kanya.
"Aba! Kahit na! Dapat sinama n'yo ako!" OA na talaga s'ya.
"She needed a breather, alright? Ang daming revelations kanina that were too much for her," sabad ni Griffin. He looked bored and annoyed.
Lumambot naman ang mukha ni Calix. "Kumusta ka naman?"
"I-I'm fine, I guess?"
"Ako dapat kasama mo eh kasi magaan ang personality ko. Hindi itong robot na to!" tinuro n'ya pa ang mukha ni Griffin.
"Devereaux!" may banta sa boses ni Griffin kaya agad namang binawi ni Calix ang kamay n'ya at ngumisi na parang tuta.
"Joke lang naman, captain. Hehehe. Alis pa kayo uli. Swimming pa kayo. Pwede rin d'on sa labas ng kweba. Sige babye," aniya saka sumisipol na lumayo sa amin.
Naiiling na binuksan na rin ni Griffin ang pinto n'ya. "Piper."
"Hmm?" napatigil ako sa akmang pagpasok at binalingan siya.
"I meant it when I said I'm gonna support you."
Ngumiti ako sa kanya. "Salamat. I hope tayo lang ang makakaalam nito."
"You can count on me," aniya.
"Sige. See you later."
"Yeah."
Tuluyan na akong pumasok sa loob at napasandal ako sa pinto. Hindi ko maintindihan ang malakas na kabog ng dibdib ko. May sakit na ba ako sa puso? May caffeinated drinks ba akong nainom today?
Muntik pa akong mapatalon nang may biglang kumatok sa pinto na kinasasandalan ko. Agad ko iyung binuksan at laking tuwa ko nang makita ang taong nasa harap ko.
"Riley, you're awake," I hugged her. Yung tipong masakal na s'ya. Sinadya ko yun.
"Gusto mo bang mahinatay ako uli?" hinampas n'ya ako sa braso kaya naman pinakawalan ko na s'ya. Deretso siyang pumasok sa kwarto ko. Wow ha. At home masyado. But never mind. Dati pa naman kaming ganito. S'ya libreng pumasok sa kwarto ko, at ako naman sa kwarto n'ya.
"Nasaan si Everett?" tanong ko na sumilip pa sa pasilyo.
"Coming!" ayun at narinig n'ya pala. Palabas na siya mula sa kwarto ni Riley. "Hinatid ko lang ang gamit n'ya doon," aniya.
"Di ba nasa control room ka lang kanina?" sabi ko nang makapasok s'ya sa kwarto ko.
"Nung umalis kayo ni Griffin, umalis na rin ako. Nagpunta ako sa ospital," aniya saka padapang bumagsak sa kama ko.
Nag- Indian sit naman si Riley sa gitna ng kama ko. "Lumabas kayo ni Griffin?"
"Yeah?" bakit na- guilty ako bigla? Umupo na rin ako sa kama sa harap n'ya. Nasa gitna namin ang nakadapang si Everett.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasíaSi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...