Twenty-Two: Mole

15.6K 588 35
                                    

Twenty-two

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Punung-puno ang hospital ng mga sugatang praestanus na nakipaglaban. Hindi lang pala daan-daang Nimrods ang nasa area nila kundi libu-libo. May anim pang nasawi na nagmula sa lower teams at isa sa kanila ay ang katorse anyos na pinsan ni Colton kaya nandoon ngayon ang lalaki kasama sina Calix at Fallon sa bahay ng nasawi. 

"Damn! Dahan-dahan naman!" napalingon ako kay Maddox na ngayon ay nakahiga sa hospital bed at kasalukuyang nilalagyan ng bandage dahil nakuha nanaman ang bala. Isa siya sa tinamaan ng bala sa may tiyan dahil iniligtas niya ang isang miyembro ng team niya.

"Hey," may iniabot na mug ng kape si Griffin sa akin kaya tinanggap ko naman iyun.

"Thanks," dahan-dahan akong sumimsim ng kape at naupo siya sa tabi ko.

Napatingin ako sa wala pa ring malay na si Riley. Magkatabi lang ang kama nila ni Maddox. Nasa tabi niya si Everett na nag-aalala pa rin.

Kailangan n'ya lang ng pahinga. Ang sabi ni Everett ay iyun ang unang beses na ginamit ni Riley ang force of destruction ng gan'on kalakas. She might be an aether user but she wasn't an expert in using it. She was still in the process of learning how to use it.

"Maddox!" humahangos na dumating si Maisie kasunod si Reagan. Parehong may mga galos sa mukha at braso ang dalawa. Malamang ay sumali sila sa labanan.

"What!?" inis na inirapan ni Maddox si Reagan kaya napaatras ang babae.

"Reagan, dito ka muna," tawag ko sa kanya at tinapik ko ang bakanteng silya sa kaliwa ko.

Nagtataka ang mukha n'ya nang naupo s'ya. "Kilala mo ako?"

"Yeah. I'm Piper pala," inilahad ko ang kamay ko.

"I know," kiyemeng tinanggap n'ya naman iyun.

"Bakit mo ba isinama yan dito? Lalala ang sitwasyon ko n'yan eh," paangil na sabi ni Maddox kay Maisie ngunit sinapak lang siya nito.

"Wag kang OA. Gusto n'yang tumulong. She can heal you faster."

"No thanks," matigas nitong sabi saka tumingin sa may bintana.

"Tsk," napapailing na lamang si Griffin.

"Ay Maddox, 'wag matigas ang ulo. Reagan, please do what you gotta do," baling ni Maisie sa katabi ko.

Dahan-dahan namang tumayo ang babae at lumapit. Panay pa rin ang irap ni Maddox sa kanya. Nababaklaan na nga ako sa inaasta n'ya.

May dinukot na tatlong buto si Reagan mula sa bulsa ng pantalon n'ya at pinagsiklop n'ya ang kanyang mga palad. Pinanood lang namin siya. Pati si Everett at ilang nurses ay napapatingin na rin sa kanya lalo na n'ong may halamang tumubo mula sa mga palad n'ya. Isang tangkay lang iyun ng puting bulaklak. She squeezed it hard hanggang sa madurog iyun at lumabas ang katas na kulay puti rin. Tumingin s'ya sa nurse na umasiste kay Maddox.

"Please remove the bandage," mahina niyang sabi.

"No! Don't!" pigil ni Maddox ngunit sinapak lang ni Maisie ang braso n'ya.

"Oh shut up you jerk!"

Lumabi lang si Maddox at hinimas ang braso n'ya.

Nang matanggal ng nurse ang bandage sa may tiyan niya ay dahan-dahan nang tinapal ni Reagan ang durog na halaman doon. Hindi pa rin tumitingin si Maddox kay Reagan kahit na napapangiwi na siya.

Tss. Ang tayog ng pride ni kuya ha.

Ibinalik ng nurse ang bandage nang matapos na si Reagan sa panggamot n'ya.

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon