Thirty-four
Tulala lang si Griffin habang nakaupo dito sa salas ng bahay nila. Dito n'ya gustong pumunta nang nakayanan na niyang tumayo. Sa tingin ko ay hinihintay n'ya ang kanyang Mama para makausap ito.
Nakapagtataka. Bakit ito ginawa ni Margaux? Anong makukuha nila dito? Oras na sakupin kami ng Nimrod, makikinabang ba silang tatlo? Hindi ko talaga makuha-kuha ang posible nilang rason.
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Griffin. Ano kaya ang tumatakbo sa isip ng isang to?
Naaawa talaga ako sa kanya.
"Okay ka lang?" I touched his shoulder.
He sighed again and caught my hand. Hinawakan n'ya lang iyun ng mahigpit na tila ba kumukuha siya ng lakas mula doon.
"I should confront her, right?" mahina niyang tanong sa akin.
Umupo ako sa coffee table para magkaharap kami. "There's nothing wrong about it. Just don't forget that she's your mother."
Huminga siya ng malalim. "I can't believe...that she's one of them. Ang taas ng tingin ko sa kanya."
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko s'ya i-comfort. Nung nalaman ko na miyembro ng Nimrod si Papa, I felt betrayed also. Griffin was there to make me feel better. Now, ako naman ang dapat gumawa n'on.
I hugged him. Isang mahigpit ding yakap ang iginanti n'ya.
"Griffin, Piper, anong ginagawa n'yo dito?" bigla akong napalingon sa lalaking bagong dating.
Mabilis akong bumitaw kay Griffin ngunit nanatiling nakahawak ang mga kamay niya sa kanang kamay ko.
"Ah... Mr. Finnigan, dinala ko lang po dito si Griffin. Masama kasi ang pakiramdam n'ya," ako na lang ang sumagot kaya kunut-noong tiningnan n'ya ang anak.
"Bakit? What happened?"
"Mama happened," sa wakas ay nagsalita na si Griffin. Sa mga kamay namin siya nakatingin.
"What do you mean? Teka... Did you see her? She was with me at the game. Pero bigla na lang nawala."
"Why don't you ask her?"
"Ask her what?"
"Ask who what?" napatingin kaming tatlo sa babaeng bigla na lang pumasok.
"Margaux, saan ka ba nagpunta?"
"I just met some of my friends, Finnigan. Binalikan kita pero wala ka na d'on," parang walang nangyaring sagot ni Margaux. Nakuha pa n'yang ngumiti sa akin. "Piper, hanging out with Finny, I see."
"Who were your friends, Ma?" matigas na sabi ni Griffin.
"Why? It doesn't matter, hijo. They're just a bunch of oldies like me. What do you want to eat for snacks?"
Tiningnan ko si Griffin na ngayon ay nakatiim-bagang na.
"Shouldn't you be uncomfortable of Piper's presence? Nagkasagutan kayo n'ong huli ninyong pagkikita."
"H-Ha?" natigilan si Margaux sa sinabi ng anak. Mukhang nakalimutan n'ya ang bagay na yun just to make the atmosphere casual. "I-It doesn't matter now, does it Piper?"
Hindi ko kayang sumagot sa kanya.
"Anong problema, son?" ani Finnigan.
"My mother is the problem here. Tell us Ma, s'an ka ba talaga galing? Don't lie to us now."
Namumutla na si Margaux habang nakakuyom ang kanyang mga kamao.
"Margaux?" Nalilito na si Finnigan.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...