Thirty-eight: Locked Up

14.1K 567 39
                                    

Thirty-eight

Kasama kong bumalik sa castle sina Griffin, Riley, Everett, Calix at Maddox. Mag-i-sleepover daw sila kaya hinayaan na namin. Umuwi sa kanila si Colton kaya hindi siya kasama sa trip ng tatlong mokong.

"Kay Pipay tayo matutulog lahat ha. Ayokong sa kwarto ko kayo manggulo. Kakalinis ko lang d'on kahapon," ani Everett na parang bakla pang namaywang.

"Eh di doon pala tayo kasi malinis," pang-iinis ni Maddox sa kanya.

"No way. Malinis din d'on kay Riley."

"Wag n'yo nga akong isali d'yan sa kagaguhan n'yo," nakasimangot na sabi naman ni Riley.

"Doon na nga lang kayo sa akin. Ang ingay n'yo," sabad ko na sa usapan nilang walang sense.

"Yahoo!" sumuntok pa sa hanging sabi ni Calix.

"Piper."

Malapit na kami sa bedroom ko nang may narinig kaming tumawag sa akin kaya agad kaming napalingon sa kanya.

"Anong kailangan mo, Camila?" walang-gana kong tanong sa babae. She looked stressed.

"You made a very stupid mistake tonight. All of you," aniya.

"Yeah?" ani Riley.

"Hindi ito palalampasin ni Eleanor," aniya sabay talikod.

Nagkatinginan kami saka halos sabay na nailing. Nagtuloy na kami sa kwarto ko. Agad na nanggulo sina Calix, Maddox at Everett sa mga gamit ko. May pinalagay akong mini-fridge dito kaya lage akong may stocks na pagkain at drinks. Yun agad ang nilantakan ng tatlo. Nakisali naman sa kanila si Riley pagkatapos na gumamit ng banyo.

"She ruined two expensive video cameras," sabi ni Griffin na tumabi sa akin sa pagkakaupo sa kama. Nagtatanggal ako ng sapatos ko.

"Oo nga no. Kay Colton yung mga yun di ba?"

Tumango s'ya. He leaned towards me and put his chin on my left shoulder. Heto nanaman ang tambol sa loob ng aking ribcage. Shit talaga itong si Griffin Degray. Masyadong touchy. Nakakainis lang dahil parang gusto rin naman ng malandi kong katawan. Comfortable kasi ako tsaka at ease kapag nasa paligid lang s'ya lalo na kung malapit kami sa isa't isa. Nasanay na siguro ako sa presence n'ya.

"My mother's gonna be sent to jail," malungkot niyang sabi.

Sinulyapan ko s'ya. Di bale nang masyadong malapit ang mga mukha namin.

"The Council is composed of reasonable people. They will see her side. Kung tutuusin, wala naman talaga siyang ginawang masama hindi ba?"

"Loyalty to this city is more important than our own lives, Piper. She chose to protect our family. I should be thankful, right?"

Hindi ako sumagot. Sa totoo lang, hindi ko alam kung tama ba o mali ang ginawa ni Margaux. Si Eleanor ang mastermind sa lahat ng ito. Camila willingly connived with her. Margaux was just forced.

Haay. Nakaka-stress. Ang sakit sa bangs lang talaga.

"We'll get through this," hinawakan ko ang mga kamay ni Griffin. I heard him heaved a deep sigh.

"We will."

Nagkwentuhan lang kami buong magdamag. Pinag-usapan din namin ang susunod naming plano para kina Eleanor. We couldn't afford to lose focus. Malapit na namin silang ma-expose. Wala kaming time na tumigil.

Kinabukasan, nakasabay naming mag-almusal ang buong pamilya ni Hugo. Tahimik lang kaming magkakaibigan at nakikiramdam. Harlow seemed a little lost. Lage ko siyang nahuhuling napapatulala sa kanyang plato.

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon