Forty-four
"Piper, we have to convince them to help us save them," seryosong sabi ni Harlow isang umaga nang papunta na kami sa hospital.
"Alam ko naman yun, Harlow. But we have to take it slow. We have to gain their trust," sagot ko naman.
"Bakit ba tayo nandito?" tanong niya nang huminto kami sa labas ng laboratory.
"Pinapunta ako ni Tita dito. They'll take blood samples to see what's wrong with me. Gusto nilang tingnan kung ano ang nasa serum ng Nimrod."
"Ah okay."
Isang lalaking toxicologist ang umasiste sa amin. Nasa late twenties na yata siya at medyo may pagka-mestiso.
"I am Dr. Saint Goodwin," he said smiling kaya agad akong siniko ni Harlow.
Pinigilan ko ang sarili kong ngumiwi. "I'm Piper and this is Harlow."
Harlow offered her hand at tinanggap naman iyun ng doctor.
"Nice meeting you, doctor," may landi sa boses na sabi n'ya kaya tuluyan na akong ngumiwi.
May tinatago pala talagang landi itong babaeng 'to.
Ngumiti lang ang doktor saka bumaling sa akin. "I believe you're the one who was shot by the serum?"
"Yes."
"Follow me," he formally said saka iginiya kami sa isang mesa sa gilid ng lab.
He took my blood sample really quick and put it in three different test tubes.
"I will call Princess Satasha kapag may resulta na. I will analyze what's in the serum."
Tumayo na kami ni Harlow. Nagpasalamat ako saka nagpaalam.
"Ang gwapo," kinikilig sa sambit ni Harlow nang makalabas kami.
"Landi mo," hindi ko mapigilang wag mangiti.
"Iba eh. Mas gwapo pa s'ya kaysa kay Griffin. Promise."
Napailing ako. Ang gwapo kaya ni Griffin. Si Griffin ang pinakagwapo para sa akin.
Nakakalungkot man, I need to continue living without him. At least for awhile. Babalikan ko sila for sure. Siya. I haven't told him yet what I feel.
"Ouch!"
"Piper! You okay?"
Hindi ko namalayang bumagsak na pala ako sa sahig dito sa isang hallway sa loob ng hospital.
"Damn. Watch where you're going!" asik ng lalaking bumagsak din. Agad siyang tumayo at pinagpag ang kanyang maong na pantalon.
"Ikaw ang mag-ingat. Pakalat-kalat kang octopus ka," asik naman ni Harlow.
"Tama na, Harlow," pigil ko. Hindi kami tagarito. Ayaw kong magsimula ng gulo lalo na't kailangan namin ang tulong nila.
"Ano'ng tama na-."
"Carlisle, I see you already met the Caverlys."
Napalingon kami kay Dr. Saint na lumabas ng lab. Agad namang napaayos si Harlow.
Tsk.
"Tsk. Met my face!" supladong sabi ng tinawag na Carlisle. Ganda ng pangalan. Hindi bagay sa kanya.
Aba, aba.
"Umayos ka nga. Ladies, this is my brother, Carlisle. Pasensya na at may dalaw yata ngayon," nakangiting sabi ni Dr. Saint.
"Shut up, man," nakasimangot na sabi ni Carlisle.
"Aalis na kami, doctor. Salamat uli," sabi ko saka hinila na si Harlow palayo. Tumunganga pa kasi sa bago n'yang crush.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...