Twenty-seven
"Ang galing mo beshy! Oh my gosh! That was awesome!" nakayakap sa leeg ko ngayon si Riley at panay ang talon n'ya.
"Aray naman, Riley," tinampal ko ang mga braso n'ya. Pero ayaw talaga bumitaw. Pakiramdam ko nakikitalon sa kanya ang ulo ko. Ulo lang. Yung katawan hindi.
Tss.
"That was really incredible, Pipay," namamangha ring sabi ni Everett na nanood lang sa training namin ni Riley.
Napangiti ako. Talaga bang ginawa ko yun? Or should I say, talaga bang nagawa ko yun?
"Yay! This calls for a celebration," ani Riley. "Club tayo mamaya."
"Uy! May pasok tayo bukas," sabi ko sa kanya kaso ngumisi lang siya.
Pasaway talaga.
"Eh kasi naman, beshy. Ang galing ng ginawa mo kanina. Biruin mo, kaya mong gawin yun. Ikaw pa lang ang nakakagawa n'on."
"Hindi naman siguro. Tsaka try kong i-master yun."
"Kaya mo yan. Ikaw pa."
Nginitian ko si Everett. Nagligpit na kami dito sa training room para makapagpahinga na. Medyo napagod din ako dahil matagal ang training namin ngayon ni Riley.
"Riley, marami pa tayong ibang techniques di ba?" I said while gathering my water bottle and towel.
"Oo," aniya saka uminom naman mula sa water bottle ni Everett na inagaw n'ya.
"Explain mo nga sa akin isa-isa."
She sat down on the floor. "Demanding si future queen," aniyang humagikhik. "So anyways, first, the easiest one, elemental energy manipulation. Then there's dimension manipulation. You can make a portal and can go to another dimension. Hindi namin yan masyadong ginagamit unless we throw something there."
"Like?"
"Prisoners?"
"What?"
"Well, Aether City doesn't have a prison facility. Ang ginagawa nila sa criminals ay ini-exhaust nila ang kapangyarihan nila before throwing them at a certain dimension. Nandoon ang jail. May mga jail guards din doon," sagot ni Everett.
"Wow. That's cool. Dito kasi may jail talaga sila."
"Ibahin mo ang Aether City," ani Everett na halatang proud na proud sa lupang sinilangan.
Tss.
"So, next is animancy. Alam mo na yun. Moraco family uses that ability. There are different kinds of animancy though" pagpapatuloy ni Riley sa lecture n'ya. "Then we have force of destruction. Aside sa Eastoft Clan, walang ibang may hawak ng ability na to. Isa pa, it's a very dangerous type of ability."
I agree. Pangalan pa lang dangerous na.
"May subelement users na gumagamit ng lower kind of force of destruction pero yung katulad sa Eastoft family na level, wala," ani Everett.
"And last but not the least, the legendary, reality warping ability."
"Anong kayang gawin n'yan? At bakit legendary?"
"It is the ability that bends or distorts reality. It defies the law of Physics. If you're a master in using it, you can basically create anything out from nothing. Like whatever you fantasize, you can create it."
"Like, if I wanted money now, I could create it?" my system was starting to feel overwhelmed. Bakit gusto kong maging master sa ability na 'to?
"Yes. With just a snap of your fingers, boom! Your money is there."
BINABASA MO ANG
New Species
FantasiSi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...