Fourteen: Eastoft Clan

16.3K 632 68
                                    

Fourteen

Two weeks. Two weeks na akong loner. Hindi ako lumalapit kahit na kanino sa takot na makasakit. Pero minsan naman napipilit ako ni Declan na magpaturo sa kanya. S'ya ang nagtuturo sa akin kung paano kontrolin ang apoy. Mahirap iyun. Actually, napakahirap. Dapat kong pag-aralan sa maikling panahon ang mga bagay na inaral nila ng napakaraming taon.

Nandito ako ngayon sa bench sa gilid ng school ground. Dito na ako sa Superior High pumapasok. Hindi na ako umupo sa upuan ni Harlow dahil mas gusto kong mapag-isa sa pinakalikuran.

"Piper!" Speaking of gustong mapag-isa, heto nanaman ang makulit.

"Ano nanaman ba, Calix?" agad kong iniligpit ang mga gamit ko.

"Stop running, will you?" yamot nang sabi n'ya kaya hinarap ko s'ya.

"Ano ba'ng kailangan mo? Alin ang hindi malinaw sa sinabi kong gusto kong lumayo sa inyo?

"Lahat hindi malinaw. Bakit ka lumalayo? Tutulungan ka namin."

"Ayokong makapanakit ulit," sabi ko saka tinalikuran na siya.

"Piper," pinigilan n'ya ako sa braso kaya nanlaki ang mga mata kong binawi iyun.

"Don't touch me, Calix. Baka mapa'no ka."

"Tumigil ka na nga d'yan. Walang mangyayari sa akin o sa amin. Let's train together, okay?"

Sa totoo lang, nakakataba ng puso ang pasensyang pinapakita niya sa akin. Kaya lang ay natatakot talaga ako.

"K-Kumusta na pala sina Fallon at Griffin?"

Ilang araw din silang nakaratay sa mga kama nila dahil na-drain ko ang energy nila. Hindi ko alam kung paano nangyari yun. Nakita ko na silang pumasok uli sa school this week pero para silang mga zombie na hindi nakakain ng brains.

"They're okay."

Tumango ako. "Buti naman. Magso-sorry ako sa kanila."

"Let's go then. I know where they are," aniya saka hinila na ako. Nag-alala pa ako pero wala namang nangyari sa kanya hanggang sa makarating kami sa cafeteria.

Nang makita ako ng mga estudyante at ilang mga teachers ay agad silang nagbigay-daan.

Yeah. I was just an energy-sucking bitch for them.

Tsk.

Nakita kong nandoon ang tatlo pang miyembro ng Team 2 sa isang mesa sa sulok. Nakasandal ang ulo ni Fallon sa balikat ni Colton habang nakapikit samantalang nakikinig ng music sa kanyang earphones ang huli. Si Griffin naman ay nakayukyok sa mesa sa tapat nila.

"Guys, she's here," bigla na lang akong hinigit ni Calix palapit sa kanila.

Kitang-kita ko ang gulat, takot at galit sa mga mata ni Fallon. Samantalang nakatingin lang si Colton sa akin at si Griffin naman ay hindi man lang gumalaw. Baka tulog.

"How dare you. Umalis ka dito," ani Fallon. Medyo bumalik na ang dating siya kahit maputla pa ng konti.

"She wants to say something," matigas na sabi ni Calix sa kapatid. Hindi talaga close ang dalawang to?

Saka lang gumalaw si Griffin. Umayos s'ya ng upo. Hindi s'ya tumingin sa akin pero halatang gusto namang makinig.

"Uh...I wanna say s-sorry sa inyong lahat. Hindi ko ginusto ang nangyari," yumuko ako pagkatapos kong sabihin yun.

"Oh anong masasabi n'yo? Ako pinatawad ko na s'ya," ani Calix. Tumango naman si Colton.

Tiningnan ko si Fallon. Nakasimangot pa rin siya. Wala yatang balak magsalita. Nang tapunan ko naman ng sulyap si Griffin ay nakatingin na siya sa akin nang seryoso.

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon