Twenty-six: Fight

14.4K 585 64
                                    

Twenty-six

Lageng magkasama sina Harlow at Griffin nang mga sumunod na araw. Pati na rin ang ibang miyembro ng Team 2. Bumalik na rin siya sa Superior Senior High. Sikat na sikat pa nga siya at pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Maging ang mga taga-Plebeian ay dumadayo dito sa Superior upang makita lang siya.

And I found out one thing. She was the Queen Bee of the school. At ngayong nakabalik na siya, she was reclaiming her throne.

At ako naman, well, as much as possible ay umiiwas ako sa grupo nila. Pumasok na rin sina Riley at Everett sa school namin para masamahan ako. Napaka-thankful ko sa mga bestfriends ko dahil hindi nila ako iniwan. Sila na rin ang training partners ko. Magkasabay kong ginagamay ang paggamit ng aking apoy at aether.

And my identity as a Full-blood was still kept a secret. Ito ang hiniling ko sa mga nakakaalam. Sa ngayon, gagamitin ko as bait ang kaalaman ng Nimrod na half- sapiens ako.

"Uy, have you heard the news? Griffin's gonna be the next king."

"Really? How about the human?"

"She has to go. Like duh. She's a trespasser."

Napalingon ako sa dalawang babaeng nagtsitsismisan tungkol sa akin. Nasa cafeteria kami ngayon dahil breaktime pa. Wala naman masyadong estudyanteng nandito kaya iilan lang kami. Kasama ko ngayon ang mga kaibigan kong nakikinig din.

"Haay naku. Buti nga sa kanya. Then we can call Harlow our queen for real."

"I know right? Masyado kasing feelingera ang human na yan di por que nakakuha ng genes mula sa late queen."

"Okay. That's it," tumayo si Riley at mabilis na nakalapit sa mesa ng dalawang babae. Hindi ko na s'ya napigilan dahil mabilis ang pag-alis n'ya.

"Nananadya talaga kayo no?" ani Riley sa kanila at nakita ko naman ang biglang pagyelo ng kamay ng isa sa dalawang babae.

"Oh no. Everett, pigilan mo s'ya," medyo nataranta na ako dahil bigla namang sumulpot ang puting usok sa paligid ng mga kamay ni Riley.

"With pleasure," Everett smirked saka lumapit na rin sa kanila. But to my dismay, naupo siya sa gitna ng dalawang babae at ipinatong n'ya ang kanyang mga kamay sa mga balikat nila.

"Ugh! I said s'ya. Not sila," natampal ko na lang ang noo ko bago ako tumayo para awatin sila. Ayoko ng gulo.

"So isa ka ring freak? You have an ability that doesn't connect to nature," ininis pa ng isa si Riley. Hindi s'ya nagpapakita ng ability.

Ngumisi si Riley. "Seriously, hindi lang ba talaga kayo updated o sadyang mga stupid lang kayo?"

"What did you say?"

"This my dear," itinaas ni Riley ang kanang kamay na may nakapalibot na usok at iniharap sa mukha ng babaeng hindi nagpapakita ng ability. "Is what we call aether. The strongest element of all. We just don't connect to nature. We control nature."

"Riley tama na 'yan," awat ko sa kanya.

Ipinatong ni Riley ang kamay niya sa mesang gawa sa kahoy at dahan-dahang natunaw ang parte kung saan niya ipinatong ang kamay n'ya na parang yelo kaya nanlaki ang mga mata ng dalawang babae pati na rin ang ibang naroon na nakiusyuso.

"At yang mga braso na nasa mga balikat ninyo, kaya lang namang nakawin niyan ang mga buhay ninyo sa isang hawak lang."

Agad na napatayo ang dalawang babae na takot na takot. Nawala na rin ang yelo sa kamay n'ong isang babae.

Napailing na lang ako. Puro talaga kalokohan itong dalawa na ngayon ay parehong nakangisi at nag-high five pa.

"Bravo! Magaling."

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon