Forty-two: The City Has Fallen

13K 487 74
                                    

Forty-two

"Pipay... are you awake?"

"Pipay?"

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Blurry pa yun n'ong una.

"Pipay?" una kong namataan ang mukha ni Everett na puno ng pag-aalala.

"A-Anong...?"

"Nawalan ka ng malay about twenty minutes ago," sagot ni Riley.

"Twenty minutes?" napatingin ako kay Everett.

"I didn't pass out. Masakit lang yung turok pero wala namang ibang epekto sa akin," sagot niya.

Napatingin ako sa paligid. Nasa loob kami ng isang sirang boutique.

"It means...?"

"Apparently, the serum was made for fire, earth, water, air users and Plebeians. Not for aether users. You're just half-affected by it."

Tumango ako sa sinabi ni Everett. "Yeah. I can feel it. Half of my strength is gone."

"Kaya mo pa ba?" ani Riley.

Tumango ako. Kailangan kong kayanin.

"What's the situation outside?"

"Lumabas si Calix para balikan sina Fallon. Marami ng mga praestanus ang nawalan ng malay. More than half of the whole population" sagot naman ni Everett.

Bigla akong nanghina sa narinig.

"You mean, we're losing?"

Sabay silang tumango at pinanghinaan ako ng loob.

"Did you see Griffin?"

Umiling sila.

"How about sina Maddox, Hugo, Declan or Harlow?"

"Napansin ko ang council kanina, pati na rin si Hugo. They were hit by the serum."

"And the bigger ship, feeling ko nandoon ang pinaka-leader ng Nimrod," pagpapatuloy ni Riley.

"Let's attack it," I had to be brave and strong.

We're supposed to be the stronger and more powerful species than the humans.

Bu why were we losing?

Tumayo ako kahit na medyo mahirap at mabigat ang katawan ko.

"Wag mo nang pilitin, Pipay."

"Kaya ko 'to, Everett. Marami pa rin bang Nimrod?"

"Yung nasa pangalawang barko, yes marami pa. Heavily guarded ang barkong 'yun at doon galing ang mga umuulang serum," sagot naman ni Riley.

"And it's a huge ship. Tiyak marami pang sundalo ang nandoon," segunda naman ng isa.

Tumango ako saka inihanda ang dala kong rifle. Ibinaba ko na sa sahig ang grenade launcher. It would just slow me down lalo na ngayong kalahati na lang ng lakas ang natira sa akin.

"Handa na kayo?" matapang kong tanong.

"Yes," sabay nilang sagot kaya sabay-sabay kaming lumabas mula sa pinagtataguan namin.

Takbo at yuko ang ginawa namin habang papalapit kami sa sentro ngayon ng labanan. Malapit iyun sa daungan ng speedboat.

"Ahhhh!!!" malakas kong sigaw habang pinapapaputok ang aking rifle sa grupo ng Nimrod na kasalukuyang tinatadtad ng bala na may serum ang apat na lalaking Plebeians. Nagtatawanan pa ang mga hudas.

"Pipay..."

Hindi ko na pinansin ang tumawag sa akin. Mabilis ang kilos na pinagbabaril ko ang lahat ng Nimrod na makita ko. Wala akong pinapalampas. Tila wala ako sa sarili ko at hinayaan ang mas bayolenteng Piper na mag- take over ng buo kong isip at katawan.

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon