Fifteen
Mabilis na lumipas ang ilang linggo. Sa wakas ay natutunan ko na ring i-kontrol ang size ng fireball pati na rin ang level of strength nito. Sa ngayon, ito pa lang ang kaya kong gawin using my fire element. Tumutulong na rin sina Griffin, Calix at Colton para mas ma-enhance pa ang iba ko pang kakayahan, ang aking senses and combat skills.
"More!" matigas na sigaw ni Griffin kaya sinipa ko siya ng mas malakas. Pero siempre nailagan n'ya yun.
Pagod na pagod na ako. Buti na lang hindi naisipan ng katawan ko na magnakaw ng energy ngayon. Actually, hindi na muling lumabas ang isa ko pang ability. Which was good, I guess.
"Is that all you can do? You're so weak," he said while smirking. Aba't sumusobra na tong taong to ha.
I made a defense position nang makita ko siyang palapit sa akin para umatake.He kicked me pero sinangga ko ang napakalakas niyang sipa gamit ang kanan kong braso.
Aray!
"I don't wanna see you flinch every time you get hit. That's a weak point your opponent can see."
Eh sa masakit talaga.
"Again," pagkatapos niyang sabihin yun ay inatake nanaman niya ako. Inulan ako ng sipa at suntok. Yung iba nailagan o nasangga ko pero karamihan doon ay tumama sa katawan ko.
Shit. This was getting serious.
Papatayin ba ako ng taong to? Ang sakit na ng katawan ko.
"Can you at least give me a five-minute break? Tsaka I need to take a pain reliever. Masakit na ang katawan ko." Magtatatlong oras na rin kaming ganito. Kung siya ay malakas pa, pwes ako ay hindi na. Idagdag pa ang namamanhid ko nang katawan dahil sa sakit.
"No."
Sabi ko nga yan ang isasagot n'ya.
Ting! May naisip ako.
Itinaas ko ang kanang palad ko paharap sa kanya.
Nanlaki ang mga mata n'ya sabay atras. "W-What do you think you're doing?"
I smiled inside. Bwahaha. Nag-stutter ka na ngayon.
I made a very serious face. "I need some energy. Pahiramin mo ako."
"What!?" lumayo s'ya sa akin pero sinundan ko pa rin siya. "Piper, that's not funny."
"I'm not trying to be, Griffin. I'm dead serious."
Gamit ang superspeed n'ya ay umiiwas siya sa akin. Medyo mabilis na rin ako kaya hinabol ko s'ya. Mas okay na rin na maghabulan kami kesa naman sa pagsusuntukin n'ya ako.
"Stop it!" sigaw niya.
"Pahinga na kasi muna tayo. Tsaka I need medicine from the clinic!" ganting sigaw ko naman.
"Fine! Twenty minutes!"
Yes! Huminto na ako sa paghabol sa kanya kaya hindi na rin siya tumakbo. Masama n'ya akong tiningnan.
"Sige. Break muna ako. I need to go to the clinic," sabi ko saka kumaripas na ng takbo palabas ng training room. Mahirap na. Baka magbago pa ang isip n'ya.
Agad akong nagpunta sa clinic na isa lang sa mga rooms dito sa castle. Humingi ako ng pain reliever mula sa babaeng nurse na naroon.
"Ito po. Bumalik na lang kayo Ms. Piper pag kailangan n'yo pa," sabi nitong nakangiti.
Ang bait naman n'ya. Maganda pa.
Tss. Lahat naman sila.
"Sige. Salamat."
BINABASA MO ANG
New Species
FantasiaSi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...