Twenty: Attack

17.8K 643 50
                                    

Twenty

Masaya akong kumakain ng breakfast ngayon kahit na nasa loob pa rin ako ng puting silid na ito dahil kasama ko naman ngayon ang dalawang tao na miss na miss ko na. Puro kwentuhan at tawanan lang kami. Si Thayne pa rin ang nagdadala ng pagkain sa akin. Naaawa na nga ako dahil parang ginawa na siyang waiter ni Griffin.

"So, una mong pag-aaralan ay ang pag-control ng energy manipulation mo para makalabas ka na ng room na ito," sabi ni Riley nang matapos ako sa pagkain.

"Paano ko naman gagawin yun?"

"Paano mo ba kinokontrol ang fire element mo?"

"Iniisip ko lang at pinapakiramdaman."

"Same with your aether ability. Remember Pipay, ito ang pinakamalakas na element sa lahat. Idagdag pa ang nagkakaroon mo ng apoy. Technically speaking, ikaw ang pinakamalakas na nilalang sa buong mundo."

"But they're useless to me now at this state. Sige na. Paano ko pag-aaralan ang pag-control dito?"

"Gamitin mo sa akin," ani Everett saka tumayo sa harapan ko.

"Why would I do that?"

"Gawin mo na lang kasi, Pipay. Sanay na yan. S'ya kasi ang pinagpraktisan ko dati," nakangising sagot ni Riley.

"Talaga? Yun ba yung mga araw na absent s'ya tapos bigla na lang susulpot after ilang days?"

Sabay silang tumango. Kakaiba din ang dalawang to.

"Sige na," ani Everett. "Na-miss ko tong feeling na to."

Naiiling na itinuon ko na lang sa kanya ang kanang palad ko.

"Okay Griffin, you can remove the neutralizer inside the room now," biglang sabi ni Riley.

Walang sumagot ngunit naramdaman ko ang biglang pagpasok ng energy sa katawan ko. Napangiwi naman si Everett. I tried to stop myself pero hindi ko magawa. Patuloy ang paghigop ko ng energy n'ya. I could almost taste it. His energy felt too different from anybody's energy.

"Try to control it Pipay," malakas na sabi ni Riley.

"I can't!"

Bumagsak na si Everett nang nakaluhod sa sahig at naramdaman ko ang pagtakas ng lakas mula sa akin kaya napatingin ako kay Riley. Nakatuon sa akin ang kanang palad n'ya at ilang sandali pa ay kay Everett naman niya iniharap yun. Nakita ko naman ang muling pag-angat ni Everett mula sa sahig at ilang saglit pa ay malakas nanaman siya.

"That is how you manipulate elemental energy, Pipay."

Tumalun-talon naman si Everett na parang boxer. "Ulit Pipay."

Naiiling na ginawa ko na lang uli ang gusto nila.

Inabot din kami ng isang buong linggo bago ko nagawang kontrolin ang paghigop ko ng energy. Hindi ko pa kayang ibalik iyun o ilabas sa katawan ko pero nagawa kong wag nang magnakaw mula kay Everett kaya naman hinayaan na ako ni Griffin na makalabas ng silid bandang alas-sais ng gabi. Sinalubong pa niya ako sa may pinto kasama sina Calix at Maddox. Niyakap pa ako ni Maddox na para bang na-miss n'ya ako.

"O tama na yang tsansing mo," saway ni Calix ba pinaghiwalay pa kami.

"Gusto mo ikaw naman yakapin ko?" pang-iinis ni Maddox sa kanya.

"Hoy manyakis, tigilan mo na yan ha," aba at sumabat si Riley at tiningnan naman ito ng masama ni Maddox.

"Alam mo, nakakahalata na ako sa'yo. Masyado kang papansin," sabi ni Maddox sa kanya.

"Eww. Ako? Nagpapapansin sa'yo? End of the world na ba? Mangilabot ka nga."

"Kunwari ka pa," tuloy pa rin silang dalawa sa pagbabangayan. Sumali pa si Everett at pinagtulungan nila si Riley.

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon