Forty-five
Hindi matanggal-tanggal ang kunot sa noo ko habang nakatingin kay Carlisle Goodwin na nagsusulat ng pangalan n'ya sa papel na ipinaskil ko sa bulletin board ng Aether College.
Gusto n'yang mag-volunteer?
Seriously?
"What are you looking at?" hindi ko namalayang nakaharap na pala siya sa akin.
Hindi ako agad nakasagot kaya tumaas ang kanang kilay n'ya.
"You're drooling," aniyang naka-smirk saka ako nilampasan.
Automatic naman akong napapunas sa gilid ng labi ko.
Walangya yun. Wala naman ah.
Sinundan ko s'ya ng tingin at nakita kong pinagkakaguluhan siya ng mga babae at todo ngiti naman siya sa kanila.
Womanizer. Tsk.
"Anong ginagawa mo dito?" napalingon ako sa babaeng kakarating lang.
Si Perrie kasama ang kanyang apat na alipores.
"May ginawa lang. Sige," tumalikod na ako ngunit bigla siyang nagsalita.
"We will put our names on your list."
Natigilan ako buhat sa narinig.
Ano raw?
Dahan-dahan akong napalingon sa kanila. All of them were frowning.
"We don't want you here. You bring trouble. But I guess my father is so kind that he feels obliged to help you. So we thought of joining your campaign to get rid of you as fast as possible. The sooner we save your people, the shorter you stay here."
I see. Tama nga naman s'ya. I don't want to piss anyone off kaya tumango na lang ako sa kanya.
"Salamat kung gan'on. Gusto ko na ring bumalik kung saan man kami nanggaling."
"Good. I will encourage other students para mas mapadali ang lahat," aniya saka lumakad na palayo at sumunod naman agad ang mga kaibigan n'ya.
"Thanks," bulong ko sa hangin.
"What was she up to?" tanong ni Astrid nang makalapit sila ni Harlow.
"Nothing really. She wants to enlist."
Nagkatinginan silang dalawa. Tulad ko ay nagulat din sila.
"For real?" ani Astrid kaya tumango ako.
"Wow. That's unexpected. But oh well, mas magandang hindi nilangaw ang postings natin," sabi ni Harlow.
Dumaan ang ilang linggo at mas dumami ang nagpalista. Mukhang mapapaaga ang rescue operation namin which is great.
Tatlong buwan na kami dito sa Aether City nang ihinto na ng hari ang pag-recruit ng mga volunteers. There are 300 enlists all in all.
I think our team is too small compared to the big army of Nimrod.
But I know we can do this especially if we use the element of surprise.
"Hey, Ms. Caverly," napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin habang naglalakad ako sa brick road ng kanilang bayan.
"Dr. Goodwin. Kumusta?" bati ko sa gwapong doktor na ngayon ay nakasuot lang ng polo shirt, pants at sneakers. I can't blame Harlow and Astrid for obsessing over him. He's one hell of a good-looking man.
"I am fine. I got the result of your blood test."
Ngayon lang? Tagal huh.
"I already called Princess Satasha but I saw you here so might as well tell you about it," he smiled.
BINABASA MO ANG
New Species
FantasySi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...