Forty-six
Tuloy lang ako sa pag-iyak habang nakatingin sa kanya. Natutop ko ang aking sariling bibig upang pigilan ang paghikbi.
Agad siyang tumingin sa paligid nang maitali niya sa isang maliit na poste ang speedboat. Mukha siyang takot habang nakatingin sa maraming aether users na nakikiusyuso.
Natigilan siya nang sa wakas ay makita n'ya ako.
"P-Pipay..."
Tuluyan na akong napatakbo sa kanya at sinugod siya ng yakap.
"Papa..."
Gumanti siya ng mahigpit na yakap at tulad ko ay umiiyak na rin siya.
"Paano kayo nakarating dito? Kumusta na kayo?"
Tiningnan n'ya ang mukha ko. "Mag-usap tayo."
Nasa likuran ko lang sina Saint at Carlisle kaya nagpaalam na muna ako saka ko iginiya sa bayan si Papa. Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa mansyon ng mga Falcov.
"Noah!" gulat na salubong ni Tita Satasha nang makapasok kami sa receiving area. Kasama n'ya doon sina Harlow at Lola Vernice.
"Satasha," bahagyang ngumiti si Papa.
Tumayo si Tita saka sinalubong ng yakap si Papa. They knew each other mula nong bata pa kami ni Riley.
"Where have you been?" tanong niya at pinaupo si papa.
"I was hiding somewhere. May gusto akong sabihin sa inyo kaya ako nandito."
Tumango ako. Ipinakilala ko muna sina Harlow at Lola Vernice kay Papa who of course ay kilala na niya.
"Alam namin kung ano ang nangyayari sa iyo, Pipay," panimula ni Papa when we all settled down to listen.
"Namin?" tanong ko.
Humugot ng malalim na hininga si Papa. "All this time, kasama kong nagtatago si Philippos Eastoft."
Hindi lang ako ang napasinghap. Maging sina Tita Satasha ay gan'on din ang reaksyon.
"S-Si Kuya?"
Tumango si Papa. "Nagtatago siya mula sa Eastoft clan at ako naman ay mula sa Nimrod."
"Paano kayo nagkakilala? Kumusta na s'ya?" hindi na maawat ang sunud-sunod na tanong ni Tita.
"He is fine. Nakilala ko s'ya sa Nimrod laboratory nineteen years ago. Nahuli siya and as their scientist, I was assigned to study Philippos. He was weak. Ang alam ko ay yun ang panahon na tumakas siya mula sa bayan na ito."
"Oh god..." natutop ni Tita ang bibig n'ya habang patuloy sa paghikbi kaya lumapit ako sa kanya at niyakap s'ya.
"Anyway, instead of studying him, I helped him recover from his injuries. Then one day, dumating ang isang team ng mga praestanus sa pamumuno ni Eliana Caverly. They rescued him. That's how they met. That's how we met."
Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya.
"I was punished by Nimrod for gathering no data about Philippos. I was about to be killed one week after the rescue but they came back for me. They saved me. At mula noon, naging magkakaibigan na kaming tatlo."
"How about Clarine?" tanong ko.
Nakita ko ang bumahang lungkot sa mga mata ni Papa. He cleared his throat first before speaking. "Clarine grew up with her mom but I stayed close to her. When she became a teenager, she told me she'd continue my job, as an informant to the Homo praestanus society."
BINABASA MO ANG
New Species
FantasíaSi Piper Mejia ay isang teenager na simpleng namumuhay kasama ang kanyang ama at dalawang makukulit na bestfriends. Dahil sa trabaho ng ama ay sanay siya na marami itong nakakalaban kaya pinapadala siya sa kung saan-saan upang magtago ngunit agad na...