Fifty: So Much Drama

13.1K 490 41
                                    

Fifty

"Harlow, Astrid!" sa wakas ay nakita ko rin ang dalawa. Kapwa sila nakaupo sa may sulok at panay ang bulungan.

"Anong ginagawa mo dito? Nasaan na ang date mo?" agad na tumaas ang leeg ni Astrid at tumingin sa may likuran ko.

"He's not with me. Busy sa fans club n'ya," sagot ko saka naupo na rin sa may mesa nila, my back against the people. Dagat ang nakikita ko kaya nakaka- relax.

"Player talaga ang lalaking yun," ani Astrid.

"Mukha namang hindi s'ya nag-e-enjoy sa mga kasama n'ya," ani Harlow na pinaikot-ikot lang ang hawak na kopita na may lamang pulang liquid.

"Huh? Bakit naman?" tiningnan na rin ni Astrid ang tinitingnan ng pinsan ko.

Na- curious na rin ako kaya napatingin na rin ako.

There he was, surrounded by many women. Bakit siya minamasahe? May pumipisil pa sa kung saan-saang bahagi ng katawan n'ya. Lahat sila ay nakatingin sa kanya with dreamy eyes.

But something was wrong.

"What's happening to him?" si Astrid.

Yup. My question too.

"He is not paying them attention," ani Harlow.

"Oo nga no? That is not so Carlisle-y," nanliit ang mga mata ni Astrid na para bang may something fishy na nangyayari kay Carlisle.

"Baka naman may LBM lang," kibit-balikat kong sabi. "Teka," I grabbed Harlow's drink. "What are you drinking, minor?"

"It's grape juice and don't change the subject," she took back her drink.

"I am not changing anything. Sabi ko nga di ba, baka may LBM lang?"

"An LBM called... Piper?" nanunudyong sabi ni Astrid.

Napaubo ako bigla.

"Okay ka lang LBM? Este Piper?" tinapik ni Astrid ang likod ko.

"Pfft!" Harlow tried to suppress her laughter.

"Tumigil nga kayo," tinabig ko ang kamay n'ya.

"Bakit ba kasi ganyan yan? Nasa Jupiter yata ang utak."

"I don't know, Harlow. Malay ko. And I don't care. Wala naman akong paki sa jerk na yun."

"Fine."

"Ano ba yung pinagbubulungan n'yo kanina?"

"Ah yun ba? Yung gown ni Perrie. Ang chaka kasi," ani Astrid.

Tumaas ang kilay ko kaya napalingon ako sa balcony. If Perrie paid attention, there's no way she wouldn't hear that. But she's busy talking with Tita Satasha.

"Just look at that neckline. Umabot na yata sa belly button n'ya."

"Selos ka lang kasi mukha kang suman," ani Harlow.

"Anong suman? Proper ang tawag dito."

Napailing na lang ako. These two can drive me crazy sometimes.

"Good evening Aether City."

Natahimik ang lahat nang marinig ang mababang boses ng hari mula sa malalaking speakers. Everyone looked at him.

"Is everyone enjoying the party?"

"Yes," the people echoed as they raise their wine glasses.

"Ayokong magsalita ng mahaba so ito lang ang sasabihin ko. We have reached another year of abundance and prosperity. Let's be thankful. Enjoy and be merry everyone. Cheers."

New SpeciesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon