Chapter 3: Batman

1K 31 2
                                    

Beatrice

Seven na ng gabi pero hindi pa rin ako gumagayak. Nagkukulong lang ako sa kwarto.

Na-offend kasi ako sa sinabi ni Jameson kaninang I'm like Redix's ex-girlfriend. . . Yeshley.

Pero syempre, mas nasaktan ako sa sinabi ni Redix na "Yeah."

He agreed.

Masaya na sana ako kanina dahil nayakap ko siya kahit out of stupidity yun. Kaso wala eh. Nawala kaagad ako sa mood nung marinig ko yung huli nilang sinabi.

I'm not like Yeshley. Definitely not.

Hindi naman sa galit ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pag-iwan kay Redix. It's just that, magkaiba talaga kaming dalawa. Way too far.

Magkakilala kaming dalawa mula bata pa. But she never became my friend dahil laging sila ni Redix ang magkasama noon.

Growing up, hanggang tingin lang ako sa lalaking gusto ko. I tried to be near him nung nagkaroon ako ng lakas ng loob pero wala pa rin. That's when I met Makoy. He told me that I should stop. . .

I was about to, actually. But when I heard the news—that Yeshley left Redix, nagbago kaagad ang isip ko.

I promised myself na hinding-hindi ko gagawin sa kanya yun. And then my stupidity entered the scene again. This time, hindi na ako tumigil sa pagsubok na maging malapit sa kanya—na magpapansin sa kanya. But still, no use.

Bakit nga ba ako nagkagusto kay Redix? At ilang beses ko na rin bang naitanong 'yan sa sarili ko?

Isa lang naman ang sagot eh. Hindi ko nga alam kung bakit tinatanong ko pa. Stupid, Beatrice— malamang dahil hinayaan mong mahulog ka. Tsk.

I know some of you are thinking na overacting na 'ko. Sorry, this is me and this is just how I see and feel things right now.

Napako ang atensyon ko sa pinto ng kwarto nang may kumatok dito, and as expected,

"Beatrice! Hindi ka ba sasabay sakin?" atat na tanong ni Jameson pero hindi ko siya pinansin. Hindi pumasok sa isip ko na gumalaw man lang at ibuka ang bibig para sabihing 'hindi'.

I heard footsteps, from a noise into a fading one. Umalis na siya. Hindi ko lang alam kung umalis na rin si Redix.

It's weird how I can react like this kahit nakita at nayakap ko siya kanina at kahit first time niya pumunta siya dito sa bahay.

Almost two months ko siyang hindi nakita and I'm feeling proud of myself already because now that I'm here, it just feels like nothing.

Oh well, maybe my mood just switched. Imposible namang mawala kaagad yung nararamdaman ko para sa kanya in just a snap right? Hah. Talagang imposible.

Kumirot ang puson ko kaya agad akong napaupo mula sa pagkakahiga. Head on my knees and holding my tummy. Ugh.

Pumasok ako sa banyo and cleaned up. Right after, I opened my cellphone na kanina ko pa hindi ginagalaw.


Mommy:

Beatrice, are you with your brother? Look after him for me okay? Sabihin mo sakin kapag may ginawang hindi maganda.


Kaka-message niya pa lang so I decided to reply back.


Beatrice (Ako):

I'm not with him Mom. Hindi po ako sumama.


Pagkalapag na pagkalapag ko palang ng phone ko sa side table ng kama ay agad ding nag-ring 'yon. Nakahiga na ako sa I answered it with eyes closed.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon