Chapter 47: Reunion

668 25 2
                                    

Redix

"Kuya gising!" malakas na sigaw ni Ricka kaya napabalikwas ako.

Tsk. Hangover.

"Bakit ba? Ang aga-aga pa Ricka!" sabi ko sa kanya at nagtalukbong ng kumot.

"KUYA ALAS SINGKO NA NG HAPON!" aniya.

"Bakit ba nagsisigawan kayo dyan?" biglang pumasok si Mama sa kwarto ko.

"Ma, ayaw niya pang bumangon oh."

"Redix bangon na. May pupuntahan tayo mamayang 7. Gumayak ka na." sabi ni Mommy kaya tinanggal ko yung kumot sa katawan ko.

Nagkamot ako ng ulo, "Saan ba Ma?" I asked at bumangon na.

"Kila Tita Bea niyo. Reunion naming magkakaibigan." Mom answered.

"Okay." sabi ko kaya lumabas na silang dalawa sa kwarto ko.

Umupo muna ako sa kama ko pagkatapos gumayak.

Bigla ko nalang naalala yung kagabi.

I saw her.

Oh lasing lang talaga ko?

Tinawag na ako ni Mommy kaya bumaba na ako agad.

"Let's goooo~" —Ricka.

Saglit lang, nakarating na kami agad sa bahay nila Jameson.

"Hon, ayusin ko muna necktie mo." sabi ni Mama at hinarap si Papa. Nagkakatitigan pa sila.

"Tara na bumaba Kuya. Lalanggamin lang tayo dito." sabi ni Ricka kaya nauna na kami.

Nilingon ko pa sila Papa at pinagbubuksan niya palang ng pinto si Mama.

They're so sweet.

Pumasok na kami ni Ricka at nagbeso kay Tita Bea.

Si Tito James busy sa pag-iihaw ng barbecue at kung ano ano pa.

Pinapasok muna kami ni Tita sa loob.

Nadatnan namin si Jameson na busy kakakain sa dining.

"Katakaw. Penge naman!" hirit ni Ricka.

Tahimik akong naglalaro ng Color switch sa cellphone ko habang kumakain silang dalawa.

"Ano bang nangyari sayo kagabi?" tanong ni Jameson sakin.

"Para kasing nakita ko siya."

"Sino? Si Ate Beatrice?" Ricka asked at habang namimili ng movie sa external.

Biglang tumawa si Jameson, "Ligo lang ako."

"WHAT? DUMIKIT DIKIT SAKIN TAPOS DI KA PA PALA NALILIGO?!" sigaw ni Ricka at binato si Jameson ng unan.

"HAHAHAHAHA pinangkamot ko rin ng pwet yung pinangdudulot ko dyan sa chips kanina. Hays, naubos mo pa naman."

Mangiyak-ngiyak si Ricka dahil sa sinabi ni Jameson.

Natawa tuloy ako. Kadugyot na bata.😂


* * *

"Grabe ang gwapo talaga ni Captain America!" —Ricka

"Ano ka ba naman Ricka. Pwet ko lang yan e!" eka ni Jameson kaya nagtawanan kaming lahat.

"Kanina pa pwet yang bukambibig mo ah? Kadiri ka!" sigaw ni Ricka.

Pati si Ciana tawa nang tawa sa pinagsasasabi ni Jameson.

Tawa lang kami nang tawa sa pagbabangayan ni Ricka at Jameson nang biglang sumigaw si Mama sa labas.

Nagkatitigan kaming lima.

Atsaka nagtakbuhan silang apat palabas para tignan kung bat sumigaw Mama.

Nag-una unahan silang lumabas.

Nacurious din naman ako kung bakit kaya sumilip ako sa pintuan.

Jaw dropping.

Nakangiti siyang naglalakad papunta kila Mama.

So beautiful.

Bagay na bagay sa kanya yung kulay ng buhok niya.

"Oh my gosh Ate! I missed you so much!" —Ricka

Nakipag-beso siya sa lahat. Kumpleto kasi ang Disix ngayon.

Sobrang tuwang-tuwa sila na makita ulit si Beatrice.

Parang gusto ko na ring tumalon mula sa kinayatayuan ko.

"Nasan si Redix? Tawagin ko nga yung kuya mo Ricka." tuwang tuwa na sabi ni Mama.

I gulped at umupo ulit sa sofa.

A-Anong sasabihin ko sa kanya?

"KUYAAAA! SI ATE BEATRICE NASA LABAS!" ani Ricka at niyugyog yugyog ako.

Kumakalabog ang dibdib ko nang hilahin niya ko palabas.

Hindi na nga ako nahihibang.

Nang makaharap ko na siya, nag-aabang silang lahat kung anong sasabihin ko.

Pero wala akong ibang masabi kundi,


"H-Hi."









* * *

Last update for today guys. Enjoy reading :)

simplyponchiie

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon