Chapter 31: Late

558 24 5
                                    

Beatrice

"Jeydon Lopez from 10-Alegria." wow in fairness, ang gwapo niya.

Emeged. Wait. Jeydon Lopez?! Fav fav fav wattpad character.

Nandito ako sa backstage. Kinakabahan ako actually, kaya  tinutuon ko nalang yung pansin ko sa mga lalaking contestant.

Si Sandro tapos na magsalita dun sa harap kanina pa.

"Hi everyone. I'm Azrael Montefalco from the university of Doraemon."

The fudge. Montefalco tas galing sa university ng Doraemon? May ganun pala?

HAHAHAHAHAHA baliktad ata ah. Dapat si Jeydon Lopez dyan.😂

"And now we'll be seeing all the gorgeous and beautiful contestants, also from different universities. Let's give 'em a round of applause!" masiglang sabi ng emcee.

Mygahd. This is it.

Contestant no.14 ako. Inhale, exhale. Inhale, exhale.

Jusko po, tulungan niyo sana ko. Sana po, wag akong matapilok, wag mabulol, wag sumemplang. Please.

Hays. Kung alam niyo lang kung gano karami tong tao ang nag-aabang sa paglabas ng mga contestants ngayon.

Tumakbo na kaya ako? Kunwari natatae, o kaya biglang tinagusan, o sabihin ko nalang na buntis ako at kelangan kong sumuka?

WHAT.

No Beatrice, no.

Mabilis na nakapagpakilala yung iba, kaya ngayon, number 13 na agad.

"Buttercup Green from 10-Power of Puff University!" masigla niyang sabi.

Maraming pumalakpak, pero marami rin yung tumawa.

Para siyang galing sa cartoon network. Lupet ng name and section. HAHAHAHAHA

"O ikaw na dali!" biglang tulak sakin ng baklanh taga-assist.

Muntik pa kong mabuwal dahil sa ginawa niya.

Hagis kita sa toilet e. Sarap i-flush.

Hahays.

Okay, this is it.

Lumabas na ako at pagkatapak na pagkatapak ko palang sa stage, nagsigawan na yung buong section namin.

"Go Beatriceeeee!"

"10-Gabriel! 10-Gabriel!"

Hindi talaga ko marunong rumampa. Pero kaya ko to.

Nanonood naman ako ng Miss Universe kaya ginaya ko lang yung way ng paglakad nila—na sana successful.

Tuloy-tuloy lang yun hanggang sa huminto ako sa center.

Nagsigawan ulit ang lahat.

Ang pinagtataka ko lang, bakit parang may ibang universities na nagch-cheer sakin?

Yung iba may banner pa.

Weird

"Good afternoon ladies and gentlemen. I'm Beatrice Scott from this university, representing the section of 10—"

Natigil ako sa pagsasalita nang matanaw ko si...














Jameson.

Oh ano. Umasa naman kayong si Redix?

Tigilan niyo na kasi yang kakaasa na yan. Masasaktan lang— aish.

"Gabriel!" pagpapatuloy ko.

Hanep na hugot yan. Biglang pumapasok sa utak ko.

Kitang kita ko yung mukha ni Jameson at yung ginawa niyang pagsenyas sa university nila.

They're cheering for me. Kaya naman pala parang yumayanig yung buong gymnasium sa ingay.

Rumampa pa ako ng isang beses bago umexit.

Hay sa wakas.

"Oh wait. May hahabol pa pala tayong isang contestant!" sigaw ng emcee kaya naagaw ang atensyon ng lahat.

Pati narin kaming mga nasa backstage.

Nagtilian na naman ang lahat. Akala mo may artista.

Baka babae.

Di na ko nag-abala pang sumilip sa stage kung sino man yun.

Naagaw lang nila yung atensyon ko kasi bakit naman ganyan ka-late yang isang yan—

"From the nearest university here, Redix Gabriel. Candidate number 14 chosen by 10-Infinite."

Ay lalaki pala.

Sino daw?

Redix?

O___O

R-Redix?





Syet.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon