Chapter 10: Sleepover

757 36 4
                                    

Beatrice

"Ang sarap talaga nito." ngiting asong sabi ni Ricka habang kinakain yung red waffles na ginawa ko.

"Oo nga. Own recipe?" tanong ni Yance at tumango naman ako habang pasulyap-sulyap kay Redix na nakatutok lang sa cellphone niya.

Nakakain na siya nung waffle pero hanggang ngayon, no comment.

Nasuya na kaya siya?

Bumalik ako sa kusina para sana magtimpla ng juice nang tumunog ang cellphone ko.

Mom's calling.

"Hello My?" bungad ko at umupo muna sa high stool chair.

[How's everything going?]

My forehead creased, "Uh, we're fine Mom. Kayo jan? Wala bang kailangan?" I asked back.

[Wala naman. Just enjoy 'kay? Dito na kami sa hotel matutulog.]

"Hotel? I thought—"

[You know your Tita Pat. Hindi rin naman matitiis ni Xider e. We'll be home tomorrow afternoon.]

"Ah okay My."

[Oh and. . . Nasa akin pala yung susi ng guest room kaya, sama-sama nalang kayo sa room mo.]

My eyes widened, "My room? Sa kwarto nalang ni Jameson!"

[Lower your voice Beatrice.] I pout, [Alam mo naman 'yang kapatid mo. . . I'm allowing you to let the boys in okay?]

"Fine." I sighed in defeat.

[Good. Where's your brother by the way?]

"Uh, Mom, good night na. Aayusin ko pa yung room ko. Bye! Love you!"

Hindi ko na siya pinagsalita pa dahil baka mahalata na nagpapalusot ako.

Ugh. Ubos na yung isang sakong palusot na pwede kong ibigay kay Mommy sa bawat paglabas ng magaling kong kapatid para lang mambabae.

But oh well, maybe I'm just thinking about him too harshly. Hindi pa naman siguro niya winawala yung V card niya. He's too young.

After the conversation with Mom, nagtimpla na ako ng apple juice atsaka dinala 'yon sa dining.

"Bakit kaya hindi tumataba si Scott dito? Ang sarap pala magluto ng Ate e." nakangiting sabi ni Yance.

"Sinabi mo pa." tumawa si Ricka, "Sleepover nga tayo dito araw-araw. Hahaha!"

"Pwede ah." gatong ni Yance. "Ate Beatrice, pwede ba mag-request?"

"Ano yun?" tanong ko habang nakangiti rin.

"Aba, uma-Ate ka na rin ah." sabat ni Ricka.

"Para convincing." Yance mouthed at her na nakita ko naman,"Uh Ate, pwede pagawa ng ganito?" sabay turo niya sa waffles—na iisa nalang ngayon.

"Sure." sagot ko.

"What's this again?" tanong niya ulit at pasimpleng kinuha yung isa pang piece.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon