Chapter 5: Keychain

942 37 1
                                    

Beatrice

Kasalukuyan kaming papunta sa bahay nila Ate Asha. At sino pa nga ba ang driver? Kundi siya.

Si Ricka, 'eto nakangiti na parang aso sa backseat. Dito niya kasi ako pinapasok sa shotgun kaya bale, katabi ko ang asawa—este si Redix.

I even took a picture of him while driving. Inilagay ko 'yon sa entries ko with the caption: My driver. . . First ride with him.

Feelingera ba 'ko? Sorry naman. Fini-feel ko lang talaga ang moment. Baka kasi bukas maging masama na naman si Tadhana. Hehe.

Red stopped the car. Naituro ko na sa kanya ang daan kanina. Ang awkward pa nga dahil lumilinga siya sakin habang nagsasalita ako.

"Magtatagal ba kayo?" tanong ni Redix sa kapatid niya pero umiling 'to kaya nagsalita ulit siya, "Then I'll wait here."

When Ricka approached me, agad ko siyang tinanong kung bakit sinabi niyang saglit lang kami.

"Para maihatid ka na niya sa bahay niyo mamaya, Ate. Ayaw mo ba? Sabihin ko nalang kay Kuya na mauna na siya. . ." aniya pero pinigilan ko na.

Clever Ricka. Oo nga naman, bakit hindi ko naisip yun?

At dahil nga sa usapan ni Red at nitong matalino niyang kapatid, umalis na rin kami kaagad sa bahay ni Ate Asha.

Para nga akong lalanggamin nang makita ko si Kuya Seth na sinusubuan siya ng soup kanina. Ako kaya kelan susubuan ni Red?

Hahaha! Pero kontento naman na 'ko ngayon.
At least, hindi na ako parang hangin lang sa kanya.

Samantala noon, kahit anong hiling ko, wala talaga. Na-traffic ata si Tadhana kaya ngayon lang nakarating.

My phone beeped at binasa ko ang message,


Batman:

I feel sad knowing you're with him. I wish I could also drive you home like what he's possibly doing right now. Good night Beatrice.


"Who's Batman?"

Nalaglag ang cellphone ko nang biglang magsalita si Ricka na nakadungaw na pala sa likod ko at nakikibasa.

I immediately picked it then spoke, "Ewan ko."

"Ikaw Ate Beatrice ha. . . Pinagpapalit mo na siya."

I just smiled. Hindi na ako kinabahan nung sinabi ni Ricka yan. Growing up na nagkakagusto ako kay Redix, alam kong para sa kanya wala lang yun.

I know what he's thinking. Alam kong nasa isip niya na hindi ko na siya crush ngayon at puro kabulatawan lang yung mga ginagawa ko nung medyo nene at totoy pa kami.

Pwera nalang kung dinaldal na ni Jameson sa kanyang gusto ko siya. Kung magkataon man, malalagot sakin ang kapatid kong 'yon. Even Makoy, alam kong hindi niya sasabihin.

Dahil kung alam na ni Redix, sigurado akong wala kami sa iisang sasakyan ngayon.

Not that I don't want Redix to know na sobrang ina-admire ko siya. Gusto ko lang yung ganito sa ngayon. . . I'm not ready to face rejection yet.

Inihinto niya ang sasakyan sa harap ng gate namin. Nang lingunin ko si Ricka, nakatulog na.

Now, here comes the noisy drums again. . .

"Uhm Redix, thanks for the ride." sabi ko habang inaalis ang seatbelt.

Hindi ako makatingin sa kanya pero alam kong nakatingin siya sakin.

"No worries." he said that made my heart be pumped like drums harder.

I sighed, may isang bagay pa 'kong naalala. And I should really face him for this,

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon