Redix
Time flies so fast at limang taon na naman ang nakalipas.
And it's funny how I get to see Beatrice everyday.
Bago ako matulog o pagkagising man sa umaga, siya ang unang-una kong nakikita.
Di ko naman inasahan na yung bahay palang nabili ko dito sa Coron, Palawan e katabing-katabi lang din nung nabili niya.
Five years ago, nung mismong reunion sa bahay nila sa Manila, sinagot niya na ko.
Di ko na natiis e. Tinanong ko na agad.
Okay lang din naman daw sa kanya na wala ng ligaw ligaw. Hahaha!
And a year after that, yinaya ko siyang magbakasyon sa Paris.
Our parents agreed. Because they already know what I'm planning to do.
In front of the Eiffel tower, I proposed to Beatrice.
And luckily, she said yes.
Pero hindi pa kami kasal ngayon. She's the boss.
Sabi niya nun, mga four years pa daw para makapag-ipon pa kami kahit alam niya namang kayang kaya ko na siyang buhayin pati yung mga magiging anak namin.
I respect her a lot kaya kahit gusto kong dito nalang siya tumira sa bahay ko, I still convinced myself na doon muna siya matutulog sa bahay na katabi lang din ng akin.
"Good morning Wifey! Gising ka na!" dumungaw ako sa bintana ko para gisingin siya.
Magkatapat lang kasi ang bintana ng kwarto naming dalawa.
Bilin ko rin sa kanya na hayaan niya lang nakabukas yun para nagigising ko siya every morning.
And there, nakita ko na naman ang pinakamagandang babae sa buhay ko.
"Good morning Hubby!" aniya habang nakangiti at bumangon na.
"Gayak ka na ha, gagayak na rin ako." sabi ko sa kanya.
"Osige Mr. Alarm clock." tumawa siya.
"I love you!" sabi ko at kumindat.
"I love you too!" sabi niya rin at kinindatan ako.
Tsk. Masama ba sa lalaki yung laging kinikilig? Araw-araw kasi ako.
Pagkatapos kong gumayak, inilabas ko na yung kotse ko at tumapat sa bahay ng pinakamaganda kong neighbor. Hahahaha!😂
Lumabas siya na naka-pencil skirt at fit button-down shirt. Why so sexy Beatrice?
Pinagbuksan ko siya nang pintuan at nang makapasok na rin ako sa loob ng kotse,
"I told you not to use red lipstick." nakasimangot kong sabi at nagmaneho na.
"Light lang kaya 'to." pagdadahilan niya.
"It's still attractive and seducing." sabi ko.
Siya naman ang sumimangot.
"Don't worry. Papayagan naman kitang mag-lipstick ng ganyan kapag kasal na tayo." agad siyang ngumiti.
"PERO. Kapag nasa bahay ka lang. Sa kwarto natin to be exact." dagdag ko kaya bigla niya kong pinalo sa braso.
Natawa naman ako dahil namula bigla yung mga pisngi niya.
Ipinarada ko na ang kotse sa parking lot at pinagbuksan ko siya agad ng pinto.
Naglakad na siya agad pero ako napatigil at napatitig sa lugar kung saan kami nagta-trabaho.
Naglakad siya pabalik sakin, "Okay ka lang ba?" tanong niya.
"We did it." sabi ko at niyakap siya. She hugged me back.
I forgot to mention that Beatrice and I are both engineers now.
Nakapagpatayo na kami ng firm dito sa Coron at meron na din sa Manila.
Si Jameson at Ciana naman, engineers din kaya silang dalawa ang napili naming mag-handle ng branch dun.
Hindi pa rin ako makapaniwala na natupad naming dalawa ang pangarap namin na 'to.
Pati yung mga hotel branches na pinagkatiwala namin kay Yance at Ricka.
Hindi alam ni Beatrice na nakapagpatayo na ako ng malaking bahay para saming dalawa. Sixteen bedrooms, including ours. Three guest rooms and twelve remaining rooms para sa mga magiging anak namin.
Oh malay niyo naman makabuo kami ng basketball team diba?
That's where I'm planning to bring her after our wedding that's only two weeks ahead. For our honeymoon.
I lifted her head to kiss her deeply, "I love you so much."
"I love you so much." sabi niya rin, "Ano? May pangarap ka pa bang gustong abutin?" nakangiting tanong niya habang nakayakap sakin.
"Wala na. Katabi ko na nga yung biggest dream ko eh." seryoso kong sabi sa kanya.
Bigla niya 'kong kinurot— senyas na kinikilig siya kaya tumigil ako.
"Bonus nalang yung basketball team na ipapanganak mo." sabi ko sa kanya sabay kindat.
Sobra yung pamumula niya this time kaya tumakbo na ako.
Kasi nga sa mga babae,
More kilig, more hampas.
* * *
May pasok na ko bukas kaya eto na. Sige scroll lang kayo. Naka-post na rin yung Epilogue eh HAHAHAHAHA enjoy reading! ❤️
—simplyponchiie—
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016