Chapter 42: New start

585 21 3
                                    

Jameson

Yumakap silang dalawa sakin. Yung dalawang pinaka-importanteng babae sa buhay ko.

Niyakap din ni Dad si Ate at Mommy bago sila pumasok sa loob.

"Get well soon." I mouthed nang mapatingin sakin si Ate.

Nakakalungkot man na aalis sila pero kung yun ang ikakabuti ng kapatid ko, bakit hindi?

Pagkaalis nila, umalis na rin kami agad ni Dad.

Nawawalan tuloy ako ng ganang pumasok sa school. Parang may kulang na.

Sabi ni Mommy sakin magho-homeschool si Ate dun sa Bangkok para less hassle sa katawan niya.

Lagi na talaga kong magsisimba promise. Magpapakabait na ko.

Nakatingin lang ako sa bintana habang nasa kalagitnaan kami ng traffic.

Nang bigla kong mapansin yung kotse ni Redix.

Nadaanan namin siya at para siyang wala sa sarili.

Gulo gulo ang buhok at parang walang tulog yung itsura.

Kahit may galit pa rin ako sa kanya, di ko rin maiwasang maawa.

Bago umalis sila Ate, nakwento niya sakin yung nangyari kahapon sa labas ng ospital.

Sana nga lang mahintay niya si Ate.



* * *

Linggo ngayon kaya tulad ng sabi ko, magsisimba ako.

Busy talaga si Dad kaya mag-isa ako laging umaalis.

Hindi pa nagsisimula ang misa pero marami ng tao kaya sa likod nalang ako umupo.

Tinext ko muna si Mommy,

Jameson (Ako):

Magsisimba ako ngayon My. Ingat kayo dyan ni Ate. I'll see you both soon.

"Eh-ehem." napatingin ako sa katabi ko at napabalikwas nang makita ko siya.

"Kumusta na?" she asked.

"O-Okay lang."

Nakakahumaling talaga siya pag nag-ayos.

"Nabalitaan ko yung nangyari kay Ate Beatrice. Sana gumaling na siya." aniya.

"Sana nga."

Napalunok nalang ako nang pinagdikit niya ang kamay namin.

Tinignan ko siya and she just smiled.

Is this a new start?



* * *

Ricka

Laging sobrang tahimik sa bahay. Lalo na si Kuya, triple tahimik.

Dahil kaya may sakit si Ate Yeshley o dahil sa pag-alis ni Ate Beatrice?

Nalaman kong parehas pala sila ng sakit.

Umalis lang si Ate B dahil sa ibang bansa siya magpapagamot.

Nalulungkot nga ako kasi di man lang ako nakadalaw sa kanya o nahatid siya sa airport.

Nalaman ko lang kasi kay Mommy na nakaalis na sila nung tumawag sa kanya minsan si Tita Bea.

Lumipat din ng ibang school si Ate B kaya di na kami gaanong nagkakausap kaya wala akong kaalam-alam sa mga nangyayari.

Sana gumaling na siya agad para makauwi na dito at magkita na kami. Nakakamiss din.

Pati si Kuya minsan ko nalang makausap. Bukod sa palaging tuliro, lumapit na ako ng ibang section kaya di kami laging magkasama.

Si Yance naman, ayun. Dedmahan kami lagi.

May iba na kong kinahuhumalingan ngayon. Si Mr. Cookies.

Lagi kasing may nagpapadala sakin ng cookies pero hindi sinasabi yung name.

Madalas sa harap ng bahay, sa locker ko, o kaya sa upuan ko sa room laging nakalagay yung cookies.

Grabe. Ang sarap! Sabi nga ni Mommy tumataba daw ako. Pano ba naman kasi araw-araw talaga merong nag-iiwan.

Can this be the sign for a new start?

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon