Chapter 24: Eavesdropping

722 27 1
                                    

Beatrice

"Ako."


Ibinaling ko ang tingin ko sa labas.

And oh my God, pakikurot naman ako ngayon oh. Baka nananaginip lang ako e.

"Redix?" ani Mark at hindi pa rin umaalis sa puwesto niya.

"Tara na umuwi." baling sakin ni Red atsaka ako hinawakan sa braso.

Shit. Hindi nga panaginip 'to.

"Bakit—" tatanungin ko palang sana siya but he cut me off, "Gabi na. Baka hinahanap ka na ni Scott." aniya at lumuhod sa harap ko. Sinimulan niyang isuot ulit sa akin yung converse at tinali niya pa yung laces.

"Bakit mo ginagawa 'to?" mabilis kong tanong sa kanya pagkatayo palang.

"Hindi ko rin alam." he answered.




* * *

Jameson

What I'm doing right now isn't right. Pero sobrang nacu-curious ako sa mga mangyayari. And now that I'm witnessing all of it, siguro nga tama yung mga hinala ko. . .

~flashback

Nakikita ko ngayon ang magaling kong kapatid na umiinom sa isang table na malapit lang samin. Kita mo 'to, hindi raw sasama eka pa.

Palinga-linga lang ako sa puwesto ni Ate Beatrice habang nag-iinuman kami. Nag-iwas lang ako ng tingin nung tumayo siya at naglakad papunta sa direction namin.

Akala ko lalapitan niya na ako pero hindi. Dumiretso siya sa dance floor. At kelan pa siya nahilig sa ganyan? Hah. Isumbong ko kaya 'to?

"Pre. Ilakad mo naman ako sa kapatid mo." baling sa akin ng isa kong kaibigan. Umoo nalang ako at inuto-uto siya hanggang sa mapadpad kami sa ibang topic.

Kahit naman ilakad ko 'to kay Ate wala pa ring epekto e. Patay na patay kaya yun kay Captain.

Di nagtagal, tumayo si Mark at natapakan niya ata yung paa nung kaibigan kong nagpapalakad kay Beatrice.

Ugh. Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa kapatid ko. Ate Beatrice, Beatrice, or Ate nalang kaya? Psh. Whatever.

Medyo matagal na matapos umalis ni Mark sa table namin. Nakita ko siyang pumasok sa dance floor.

At dahil nacu-curious na rin ako sa itsura ng kapatid ko habang nandun, pumasok na ako sa pinaka-maingay na parte ng bar.

S U R P R I S E D.

I was fucking surprised nang makita ko si Mark na isinasayaw si Ate. Halata sa mukha ng kapatid ko na naiilang na rin siya.

Patay ang ilaw sa mismong kinatatayuan nila pero kung dito kayo sa puwesto ko nakatayo, kitang-kita talaga.

I don't know how to explain it. Pero basta, nakita ko.

So. . . Pati pala 'tong si Mark may gusto sa kapatid ko?

Wow naman. Namamana ata ni Ate ang pagka-magnetic ko ah. Hahays. Lahi nga naman namin oh.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon