Epilogue

912 26 3
                                    

Redix

Hawak-hawak ko ang kamay ng asawa ko habang sumasabay sa mabilis na paglakad ng mga nurse.

Kanina pa siya aray nang aray kaya kinakabahan na naman ako.

Hanggang sa madaanan namin sila Yance na agad akong kinantyawan,

"Hanep ka talaga. Napaka-shooter mo pa rin ah!" agad siyang binatukan ni Ricka.

"Hinay-hinay naman bayaw! Wala atang pahinga lagi si Ate sayo eh." dagdag pa ni Jameson at nagtawanan sila doon.

Kita mo 'tong mga to.

Hindi ba nila nakikitang nasa seryosong sitwasyon ako ngayon?!

"Mr. Gabriel sasama ka ba sa loob?" tanong ni Doc. Alliestra.

Tumango ako at pumasok na.

"Ingatan niyo ang asawa ko kung ayaw niyong ipagiba ko 'tong ospital na to at mawalan kayo ng trabaho!" natataranta kong sabi sa kanilang lahat bago isuot yung face mask.

Hinawakan ko ang kamay ni Beatrice.

Sinimulan na rin siyang pairihin ni Doc at sobrang higpit ng pagkakakapit niya sakin.

"Kaya mo yan..." bulong ko sa kanya.

"Sige pa Misis!" sigaw nung isang nurse sa asawa ko.

"Wag mo siyang sigawan kung ayaw mong matanggalan ng lisensiya!" sigaw ko rin sa kanya.

"Araaaay!" malakas na sigaw ng ni Beatrice kaya lalo akong nataranta.

"INGATAN NIYO SABI!" sigaw ko ulit sa kanila.

Natatawa na nga lang si Doc sa inaasal ko. Syempre kinakabahan ako! Baka mapano yung asawa ko!

Hinalikan ko sa noo siya sa noo, "You can do it... I love you so much." sabi ko sa kanya nang biglang lumuwag ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

"A very handsome baby boy!" natutuwang sabi ni Doc. Alliestra.

Binantayan ko silang mabuti habang hinuhugasan ang anak ko atsaka tinabihan ko muna si Beatrice na agad nakatulog.

Mga ilang minuto lang ay lumabas na yung nurse habang karga-karga yung anak namin.

Ihiniga niya si baby sa pagitan naming mag-asawa.

"Congratulations Mr. Gabriel! Fifth baby right?" sabay abot ng kamay sakin ni Doc.

Agad ko namang tinanggap.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Talagang sinisigawan mo lahat ng nurses na nagpapaanak kay Misis ah?" natatawa niyang sabi.

Siya na kasi ang nagpapaanak kay Beatrice kahit pa nung first baby namin.

Ingat na ingat daw talaga ako sabi niya pa. Syempre. Dapat lang talagang ingatan.

Saglit lang ay lumabas na siya at nagsipasukan na yung maiingay.

Hinawakan ko ang another baby boy ng pamilya at hinalikan siya sa pisngi. Pati na rin si Beatrice.

Sobrang healthy ng baby namin. Hindi ko kasi hinahayaang kumain ng kung ano ano si Beatrice.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon