Chapter 28: Stop her

643 24 10
                                    

Beatrice

I already convinced Mom tungkol sa gusto kong paglipat ng school.

Marami siyang tanong, yes. Pero syempre pumayag din.

Kung anu-anong palusot nalang ang sinabi ko para talagang makumbinsi siya.

Halos kauumpisa palang naman ng pasukan kaya pwede pa.

Besides, walang magagawa ang school kung gusto ko talagang lumipat.

Alangan namang itali nila ko?

Next week lilipat na agad ako. I can't wait!

Lol. Who am I kidding?

Syempre nakakalungkot kasi hindi na kami magkakasama ng mga kaibigan ko sa isang school.

Pero para sakin din naman to.

Kung tutuusin nga madaming benefits ang makukuha ko eh.

Unang una, walang Jameson na sumbungero kung gagawa man ako ng kalokohan.

Pangalawa, mas masasarap daw ang foods sa school na lilipatan ko.

Pangatlo, walang Redix.

Pang-apat, walang Janel.

Panglima, hindi ako laging nasasa—

Hay nako.

"Okay class, dismiss."

Today's friday.

Hahays, last day here.

I grabbed my bags atsaka lumabas na agad sa room.

Nandun siya eh. Siguro matagal pa yung susunod na game kaya wala munang practice.

Magkatabi lang ang upuan namin since the first day of school pero nakiusap ako sa adviser namin na ilipat ako sa tabi ni Ricka na katabi naman si Yance.

Halata ko rin naman kasing nagkakailangan yung dalawang yun kaya ko ginusto.

Si Jameson, sila Mommy, at si Ricka palang ang nakakaalam tungkol sa paglipat ko ng school.


Pagkarating ko sa parking lot, nadatnan ko yung kapatid kong nakasandal sa harapan ng kotse.

Nakatingin lang siya sakin habang papalapit ako,

"Need something?" I asked him.

"Bakit ba lilipat ka pa ng school? Anong matinong dahilan ang meron ka ha?"

Di ako nagsalita.

"Dahil ba kay Captain?"

"No." agad kong sagot.

"Liar." aniya.

Sumakay na ako sa kotse ko, pero bago ko pa man maiandar yung sasakyan, he mouthed something.

Then left.




* * *

Jameson

"Totoo nga'y sabi nila, kapag nagmamahal, tanga. Parehas kayong tanga ni Captain. Parehas niyo kasing mahal yung isa't isa." I sighed, "Patago nga lang."

Hindi niya naman maririnig yung sinabi ko eh.

Kaya sinabi ko na rin.

I wonder kung anong klaseng gayuma ang ginamit ni Ate at halos lahat ng players sa team namin, gustong gusto siya.

Hindi ko lang talaga inasahang pati si Captain.

Nagtataka kayo kung pano kong nalaman?

Simple.

Ginawa niyang lusot yung pagpapalakad kay Janel para laging makapunta sa bahay.

Ang palusot niya pa, para makalimot.

Utot.

I could still remember nung minsan na nasa bahay siya at dumating bigla si Ate tapos sinungitan ako dahil lang sa paghingi ko ng favor na papuntahin niya si Janel sa gym.

Habang nagsusungit siya, nakita ko namang nakangiti si Captain habang nakatingin sa kanya.

Nakita ko rin yung pagka-disappointed niya everytime na natataong wala si Ate sa bahay kapag pupunta siya.

And there's also a time na nakakulong kami sa room ko.

Hindi ko sinasadyang makita na ini-stalk niya ang kapatid ko.

He went to the bathroom, kaya hindi ko napigilang pakialaman yung cellphone niya.

And I was surprised when I saw 5 photos of Ate Beatrice there.

I really thought he's still into Ate Yeshley. Well, mali nga talaga ako.

Tumigil na rin ako sa paghabol kay Ciana.

Pero parang nagbabago na naman yung isip ko ngayon.

Eto kasing situation ni Ate at Captain, kung tutuusin, sayang naman silang dalawa.

Eh ako, may chance pa. Kasi alam ni Ciana na mahal ko pa rin siya.

Unlike dito sa dalawa na wala atang plano na mag-aminan.

Kung pwede lang akong makialam eh.

Pero sa tingin ko kasi, mas maganda kung sila nalang ang gumawa ng move.

Kung bakit kasi lilipat pa yang kapatid ko ng school eh. Abnormal.

Pero ayos na rin siguro, para dumami pa yung karibal ni Captain.

Tignan ko lang kung hindi pa siya gumalaw.

He better be moving.

But to give the story more thrill, I texted Captain.

Jameson(Ako):

Lilipat ng school si Ate Beatrice. Bakit kaya? Nag-away ba sila ni Ricka?

Agad siyang nag-reply,

Captain:

I think they're okay. Bakit hindi mo alam e kapatid ka?

Jameson(Ako):

Ayaw sabihin eh. Hayaan ko nalang siguro.

Hinintay ko yung reply niya pero katagal eh.

Kaya umuwi na muna ako sa bahay atsaka naligo.

Right after taking a bath,

Nakakuha na ko ng reply.

Captain:

Stop her.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon