Redix
"Do you... still love me?"
"H-Hindi ko naisip na itatanong mo pa sakin yan."
Tumayo siya at sumilip ulit sa bintana.
"Kanina kasi hindi mo na ko kinausap ulit. Akala ko naiilang ka sakin and I thought you've changed."
"Hindi ako naiilang." I told her, "Nahihiya ako sayo. Dahil tingin ko rin nag-iba ka na. You changed a lot." sabi ko.
She faced me, "Then why are you asking me that question?
Sayo na rin nanggaling na nag-iba na ko." aniya."Wala naman akong pakialam kung nag-iba ka na e. Good or bad changes man yan, my feelings for you will remain still. It won't change."
I smiled, "Hanggang ngayon Beatrice, mahal pa rin kita. It's been six years. But in each and everyday na wala ka, I feel like I've been falling for you harder. Parang sobrang haba ng taling nakatali sakin at nasa'yo yung kabilang dulo. Nakagapos na talaga ko sayo. At wala akong planong kumawala."
Her eyes are just focused on mine.
"That's why I'm asking you... Do you still love me? O kahit ni katiting na feelings lang para sakin?" tanong ko sa kanya.
Di siya kumibo.
I understand.
Matapos nung nangyari noon, maiintindihan ko kung hindi niya na ko mahal o gusto man lang.
Tumayo na ako at handang umalis,
"Naaintindihan ko—"
"Nasabi ko na ba sayo kung gaano katagal kitang pinangarap noon?" biglang salita niya.
"Since when we were still a kid hanggang sa lumaki tayo, gustong gusto na kita... Alam mo ba? Nung gabing yun... nung sinabi mo saking mahal mo ako, parang sasabog na yung puso ko sa sobrang saya..." kita kong namuo ang luha sa mga mata niya kaya tumalikod siya sakin ulit.
"P-Pero para rin akong sinasaksak nung araw na nakita ko kayo ni Yeshley... You were holding her hand.
Awang awa ako sa sarili ko nun... kasi habang ako naghihintay na dumating ka... Di ko alam na kasama mo pala siya.""That moment naman na nagpaalam ako sayo, parang gusto kong bumalik at yakapin ka... P-Pero hindi ko ginawa. I want to stay Redix. But I also need to leave..."
Pinipigilan ko ang sarili kong yakapin siya ngayon.
"At nung mismong araw na magpapa-transplant na ko, I'm so... s-scared. Nagmakaawa ako kay Mommy na papuntahin ka dun mismo para samahan ako. I-I want you to hold my hand while I'm risking my life... Dahil sabi ng Doctor, hindi 100% sure na makaka-survive ako."
"I-Iniisip ko nun na bumalik na dito agad... Umiiyak ako sa harap nilang lahat. I'm begging them to let me go home... T-To run back to you at makasama ka nalang hanggang sa mamatay ako kaysa umasang mabubuhay pa... Kasi Redix, last stage na eh. M-Malabo na talaga."
Hindi niya na napigilang humikbi. Di ko na rin napigilang umiyak dahil sa mga sinasabi niya.
"Sabi ng Doctor sakin, habang ino-operahan daw nila ko, I'm asleep pero binabanggit ko ang 'Redix'. Yun daw siguro ang naging hope ko. Pero kahit naging successful ang operation na yun, iyak pa rin ako ng iyak... Why? B-Because I want to see you so badly... Gustong gusto na kitang makita."
"P-Pero nagtiis ako. Kasi naisip ko na pag nagkita na tayo, gusto ko magaling na ko. Kasi... nakita kita nun e. Nung iniwan ka ni Y-Yeshley? Sobra kang nasaktan. Nabuhay ako sa pag-asang mahal mo pa rin ako. Kaya sabi ko sa sarili ko na ayaw kong maiwan ka na naman. Dahil mahal na mahal kita..."
Nagpunas siya ng luha at humarap sakin, "And now that you're finally here in front of me, gusto kong magpasalamat... T-Thank you for helping me live."
Agad ko siyang niyakap mula sa likuran at lalo pa siyang napaiyak.
"A-Ang sakit-sakit. Ang hirap nang malayo sayo."
"Maiintindihan ko kung hindi mo na ako mahal... Sinaktan kita nang sobra." sabi ko.
"Now you're asking me if I still love you o kung may feeling pa ba ko sayo kahit konti?" binaliwala niya ang pagsasalita ko, "Nothing Redix..."
"Nothing changed."
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016