Redix
Ala dose na di pa rin ako makatulog kaya naisipan kong lumabas.
Nag-drive ako papuntang McDo.
Mula noon, naging tambayan ko na to pag di ako makatulog.
Dito ako lagi unang dimudiretso.
Siguro dahil naaalala ko siya dito.
Pagkatapos kong umorder, umupo muna ako atsaka nag-scroll scroll sa facebook.
Umaasang nag-upload na siya pero wala pa rin.
Dumating na yung inorder kong fries at sundae.
Habang kumakain, may 1 new sa news feed ko.
At halos maibuga ko na yung fries nang makita ko ang first ever picture niya after 6 years!
Caption: Not so throwback.
Oh god.
Mas lalong gumanda.
May boyfriend na kaya siya?
Imposible ring walang nanliligaw sa kanya dun.
Inabot ako ng isang oras bago matapos yung kinakain ko dahil ang tagal kong napatulala sa picture niya.
Ganito na pala mukha niya ngayon.
Aish.
Grabe talaga.
Ang ganda ganda niya na lalo.
Pinatay ko na ang cellphone ko at tumingin sa labas.
Agad ko ulit tinignan yung bagong upload niyang picture at tinignan yung babaeng nakatayo sa labas at nag-aabang ng taxi.
Parehas ng damit!
Parehas ng buhok!
Tumakbo agad ako palabas pero huli na.
Nakasakay na yung babae sa taxi.
Siya ba yun?
Shit. Nababaliw na ko.
Pero posible naman. Noon nga ganitong oras nakita ko rin dito e. Posibleng siya yun.
Tinext ko agad si Jameson,
Redix (Ako):
Nasa Pilipinas na ba siya?
Hinintay ko pang mag-reply. Mag-aala una na pala kaya panigurado tulog na yun.
Nag-drive na ako pauwi at nadtnan ko si Ricka at Yance sa labas ng bahay.
"Hoy Flores. Madaling araw palang, bat nandito ka na naman?" paninita ko sa kanya.
"Kuya naman!" saway ni Ricka.
"Pinayagan ko na yang relasyon niyo ah. Magkasama kayo lagi pag araw, hanggang madaling araw ba naman?" pagsusungit ko.
Sinagot na kasi ng kapatid ko si Yance.
Ang korni lang ng istorya nila.
Dahil sa cookies. -___-
"Sige Coo, uwi na ko. Baka pagbreak-in pa tayo ni bayaw." paandar ni Yance.
Bayaw pa. Batuhin ko kotse mo e.
"Sige Kie, good mornight. Hihihi" —Ricka
"Pasok na." sabi ko sa kanya kaya pumasok na sa loob ng bahay.
"Hoy Flores." tawag ko kay Yance bago makaalis.
"Yes?" aniya. Siguro naka-score to.
"Palitan niyo callsign niyo. Ang korni." sabi ko at pumasok na sa loob ng bahay.
Sinalubong ako ni Ricka na nakanganga.
"Kapangit mo. Wag ka ngang ngumanga."
Bigla niyang hinarap sakin ang cellphone niya.
Yung bagong upload na picture ni Beatrice.
Napangiti tuloy ako, "Nakita ko na yan."
"Grabe kuya! Parang artista na tong si Ate Beatrice! Ang ganda ganda niya lalo ngayon oh!" aniya.
Oo nga.
* * *
Picture ni Beatrice sa media section :)
—simplyponchiie—
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016