Chapter 25: Drunk

731 25 0
                                    

Beatrice

Nasa kusina ako nang biglang pumasok si Ricka at sinaluhan ako sa pag-inom ng wine. Lahat ng boys nasa labas at doon nag-iingay. I'm not KJ, hindi ko lang alam kung paano haharap kay Redix.

"Simply because I care. I'm fucking caring right now." that's what he said. And what am I suppose to think?

Hindi ko nga rin alam sa sarili ko kung bakit ako nahihiya ngayon. Ugh. I'm so unexplainable.

"What is it?" Ricka said kaya para akong nabalik sa mundo.

"Ha?" I asked with innocence.

"You're hiding something. Spill it Ate." aniya.

Sa tingin ko wala muna akong dapat sabihin. Walang dapat i-conclude. Wag mag-assume.

"Wala naman. Pagod lang ako."

But heck, who am I kidding? Naga-assume at nagco-conclude na ko sa utak ko ngayon.

That maybe. . .

He likes me.

"Ah." sabi niya at tumango-tango bago uminom ng wine. Hindi ko alam kung naka-ilang salin na siya.

"Siguro ikaw yung may dapat na sabihin." ani ko.

"Hay." padabog niyang ibinaba yung wineglass, "What would you do if ever someone kissed you. And that someone, already has a girlfriend?" she faked a laugh.

"Yance kissed you?"

She faked a laugh again, "Nakakaloko nga e. Lalo niyang ginugulo utak ko. Pano ko makakapag-move on niyan?"

Magsasalita palang sana ako nang marinig namin pareho ang boses ni Redix sa likod ng bahay, "Seriously Dad? He's effin serious with that?!" nakikipag-usap sa cellphone.

"Uwi na ko Ate ha. Usap nalang tayo next time." paalam ni Ricka sakin.

"Kaya mo pa bang mag-drive?" I asked her.

"Yep."

"Okay, take care. And think." ani ko. She just smiled bago umalis at ako naman, nakaupo lang doon.

So, umalis na nga talaga si Makoy? Ganun na rin ba ko kamanhid para hindi maramdaman na may gusto siya sakin? Na siya pala si Batman.

Nakakabobo mag-isip.

Biglang pumasok si Redix dito sa kusina kaya napabalikwas ako ng upo. And seeing his face, parang bumalik yung dati.

Pakiramdam ko back to zero. At hindi ko alam kung bakit ganito yung naiisip at nararamdaman ko.

"Redix." I called him bago pa man siya makalabas ng kitchen.

Hindi siya humarap sakin. Pero tumigil siya sa paglalakad.

"Uh," ano nga bang sasabihin ko? Ugh. "Congratulations ulit." stupid.

"Thanks." aniya at naglakad na ulit pero tinawag ko na naman siya.

"What is it?!" masungit niyang sambit habang di pa rin humaharap sakin.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon