Chapter 12: AssumePaMore

743 28 3
                                    

Beatrice

Days passed at Acquaintance Party na bukas. Pero wala pa rin akong isusuot. Nakakatamad. Nae-enjoy ko nga lang ang bawat araw ko dahil kay Redix eh. We're doing good these past few days. Yung para bang, close na close na talaga kami.

Hindi ko rin maiwasang makatanggap ng panunukso sa mga kaklase namin. Hindi kasi sila sanay na nakikitang ngumingiti o tumatawa si Redix—tuwing kasama ko lang talaga. Nux, ang feeler mo Beatrice. Hahahaha!

Syempre, pati na rin sa kapatid ko at lalong-lalo na sa kapatid mismo ni Red. Pangganti ko na nga lang yung picture nilang dalawa ni Yance na magkatabing natutulog eh.

Lastly, yung mga magulang ko. Nadatnan nila kaming dalawa ni Redix minsan na nasa sala. Well, hindi lang naman kaming dalawa, pero magkatabi kami.

At first, akala ko si Mommy lang ang manunukso. But I was surprised nang pati si Dad, nakisali. Unusual.

"Cafeteria daw sabi ni Kuya." aya ni Ricka sakin kaya tumayo na ako at dinala pati bag. Lunch break na pala namin.

At sa sobrang dami ng diniscuss ni Sir Fuelo wala man lang atang pumasok sa utak ko.

"You two are getting close." aniya habang naglalakad kami sa hallway, "Bagay talaga kayo ng Kuya ko."

Napangiti nalang ako at ginulo ang buhok niya, "Bolera ka talaga. Upload ko picture niyo ni Yance e."

Nag-pout siya, "Sabi ko lang naman bagay kayo."

"Oo na." nakangiti ko pa ring sabi, "Kayo rin naman ni Yance." sabay kindat sa kanya.

Pagkapasok namin sa cafeteria, ang dami na kaagad tao. Para kang sasabak sa gera kung makikipagsiksikan ka lang.

"Don't worry. Nakabili na si Kuya for sure." ani Ricka at hinila na ako sa pinakadulong table kung nasaan si Redix accompanied by my brother at ni Yance.

"Acquaintance na bukas. Panigurado maraming chicks." sabi ni Jameson at ginatungan din naman ni Yance.

"Break na ba si Yance tas yung girlfriend niya?" pabulong kong tanong kay Ricka at tumango naman siya, "Lucky you." natatawa kong sabi.

"Uh, Ate Beatrice, yung ano pala?" nahihiyang tanong ni Yance.

Nung una hindi ko pa na-gets hanggang sa tinuro niya sakin yung carbonara na kinakain ni Jameson kaya inilabas ko na sa bag ko yung carbonara na ginawa ko naman para sa kanya.

"Thanks Ate." aniya at tumayo na. May gagawin pa raw kasi siya. If I know, nag-iiwasan lang talaga sila ni Ricka. Ang kaso, hindi ko alam kung bakit.

Siguro dahil dun sa nangyari nung nag-sleepover sila sa bahay. Pareho silang nagulat nung nagising. Yeah, siguro yun nga.

"Alis na rin ako." sabi Jameson kaya tinaasan ko siya ng kilay, "Magkikita kami ni Mika." dagdag niya at tumakbo na palabas ng cafeteria.

Dati, Mikaella tapos sunod si Ella followed by Mikell then Elle ata yun tapos ngayon naman Mika? What the hell.

Biglang tumunog ang cellphone ni Ricka matapos ay nagpaalam na rin siya, "Hindi ka man lang ba kakain?" tanong ko sa kanya.

"Hindi na Ate." aniya, "Text kita mamaya Kuya kung makakasabay akong umuwi sayo." sabay takbo. Akala niya siguro pipigilan pa siya ng Kuya niya. Hahaha, pasaway.

"Oh. Kaya ba nating ubusin lahat 'to?" baling ko kay Redix na kanina pa tahimik at nakatingin lang sakin.

May dumi ba sa mukha ko?

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon