Chapter 1: Hi Beatrice

1.2K 34 2
                                    

Beatrice

Maaga akong gumising at gumayak. Six am ang flight naming apat. After ng masinsinang pag-uusap namin kahapon ni Mommy, ako na rin ang kumausap sa kapatid ko at siya na raw kay Dad.

Pagkababa ko sa dining area, nandun na rin silang tatlo. Blangko lang ang mukha ni Mommy. Kung ako man siguro ang nasa situation niya, magkakaganyan din ako.

Si Dad, ganun din. Pero si Jameson, walang maaasahan diyan. Wala siyang pakielam sa mundo basta kaharap na ang pagkain.

Kumuha lang ako ng isang baso at sinalinan iyon ng tubig. Hindi ako kumakain every morning dahil humahapdi lang ang tyan ko.

Tumambay muna ako sa sala habang hinihintay silang matapos kumain. And I opened my facebook account.

At tulad ng inaasahan, wala man lang kalaman-laman ang notifications ko. Pati friend requests, ni isa wala kahit matagal akong di nag-online.

Pero may isa namang lumitaw sa inbox.

Ricka Gabriel:

Ate Beatrice, kelan uwi mo? :(

Agad akong nag-type. Kahapon pa siya nag-message si Ricka—younger sister of Red slash best friend slash parang kapatid ko na.

Alam ni Ricka ang lahat ng ginagawa ko para sa kuya niya. Mula sa pagpapadala ng love letters sa bahay nila, pagb-bake ng cake, at pagbili sa kanya ng mga signatured jerseys. Pero kahit minsan, hindi niya ako sinumbong.

Kaya talagang close na close kami ni Ricka. Alam ko rin ang tungkol sa love life niya. One-sided nga e. Gusto niya si Yance kaso may girlfriend na.

Beatrice Scott (Ako):

I'm going home today. I've heard the news already. . . Stay strong bunso, I'm sure she'll wake up in no time. Si Tita pa. ;) I'll see you later.

Kahit sa simpleng chat ay pinilit kong maging jolly. Gusto ko pa sanang itanong kung kumusta si Red pero para naman akong tanga nun. Alam ko namang hindi okay itatanong ko pa?

Hindi pa online si Ricka kaya nag- log out na muna ako. Ang sabi ni Mama, samahan ko raw siya sa hospital mamaya. Sana nandun siya.

"Let's go." aya ni Dad kaya tumayo na ako.

Hanggang sa airport, walang imikan. Sana magising na talaga si Tita.

* * * * *

Natulog lang ako buong byahe. At sobrang sakit ng likod ko pagkababa namin ng eroplano.

Sumakay kaming apat sa taxi. Ako sa tabi ng driver.

Sinaksak ko ang headset sa tenga ko at nakinig ng music.

Binuksan ko ulit ang fb account ko at agad na nag-status.

Now home from US of A. —at Manila, Philippines

Tapos, I searched his name. Pero hanggang ngayon, ni isang selfie o status man lang sa timeline niya, wala. Kaya yung mga Fan Page nalang niya ang hinalungkat ko.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon