Chapter 9: Mall

765 30 0
                                    

Beatrice

"Kain muna tayo." aya ni Jameson samin pagkapasok palang sa loob ng Mall.

"Yance, tara muna bumili ng jeans." ani Ricka kay napatingin sa kanya si Redix.

"You could go by yourself Ricka." sabi ng Kuya niya, "Hindi ka naman mawawala dito."

I get Red's point. Lalo pa't masama ang tingin niya kay Yance.

"Fine." Ricka rolled her eyes at umalis na.

Alam ko namang gusto niyang makasama si Yance. Silly girl.

"I'll go with your sister." sabi ko kay Redix dahilan para maputol ang tingin niya kay Yance.

"I thought we'll play basketball?" aniya habang nakakunot ang noo.

Eh?

Nag-ehem ang magaling kong kapatid kaya napatingin kami sa kanya, "Gutom na 'ko. Tara Flores." aniya atsaka hinila si Yance.

Okay.

Awkward.

Nagsimula na siyang maglakad kaya sumunod nalang ako.

We're getting close. Sana magtuloy-tuloy na.

I've been waiting for this. Simula bata pa nga ata.

Kapansin-pansin ang pagtingin sa kanya ng mga babaeng nadadaanan namin.

Nagpalit siya kanina ng damit sa hospital and he's just now wearing a white t-shirt at faded jeans.

But I must say, ang lakas pa rin ng dating.

Ako naman, naka-proper school uniform pa rin.

Wala kasi akong extra.

Hindi ko namalayang napatulala na pala ako sa kanya.

Ugh, nakakahiya. Ang gwapo naman kasi, kainis.

"Let's go." anyaya niya at nauna ng pumasok. Syempre sumunod nalang din ulit ako.

Bibili na rin sana ako ng tokens nang pigilan ako ni Redix.

Siya ang bumili ng akin.

Geez. I want to giggle.

Nagpasalamat nalang ako at inunahan na siyang pumunta sa basketball area.

Jusme, paniguradong mas mapula na ako sa pakwan ngayon.

Nakita ko siya sa peripheral vision ko na papalapit na kaya naghulog na rin ako ng isang token.

Ang nakakagulat lang, binilisan niya ang paglapit atsaka naghulog din sa isang machine.

Bale, magkasabay na kami.

"Manglilibre ng ice cream ang matatalo." aniya.

Shoot.

Shoot.

Shoot.

In the end, naka-57 naman ako.

Jameson used to teach me noon kapag walang pasok.

Hanggang sa nakapasok siya varsity at wala ng nakakapagturo sakin. Dad's always busy.

Kaya ako nalang ang naglalaro paminsan-minsan.

"Nice game." ani Redix kaya napatingin ako sa kanya. 62 ang score niya, "Konti nalang maabot mo na 'ko."

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon