Beatrice
I can't sleep.
Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko yung sinabi ni Redix kanina nung tumawag siya.
Bumangon muna ako atsaka bumaba.
Manonood nalang muna ako ng tv. Ayaw talaga kong dalawin ng antok.
And time check, 1 na ng madaling araw.
Jusko. Kung kelan may importanteng event bukas chaka ako nawalan ng tulog.
Pagkabukas na pagkabukas ko ng tv, commercial agad ng Mcdo yung bumungad sakin.
Oh m g. Nakakagutom.
Tumakbo agad ako sa kusina at tinignan kung may stock pa ng fries.
Unfortunately, wala na.
Aish.
* * *
So here I am.
Wearing sweatpants and white sando, nasa McDo ako.
Walang ganong tao syempre kasi madaling araw.
Pero may mga tumitingin sakin, dahil siguro sa porma ko.
Lalo na yung dalawang babae malapit sa counter. Mga naka-makeup pa. Hahaha😂
I ordered fries and sundae.
Umupo na ako sa kabilang dulo, dun sa wala talagang katao-tao.
Where I can see streetlights.
I should do this more often.
Ang sarap pala sa feeling na magd-drive ka sa ganitong oras tapos kakain lang.
Well, hindi naman siguro ko papagalitan nila Mommy.
Habang kumakain, scroll lang ako ng scroll sa IG.
Tagal kong di nakapag-open dito.
Mas naging intresado pa ko nung may nabasa kong break na pala si Gigi Hadid tas Zayn Malik.
HAY. FINALLY.
Dati sobrang fan ako ng One Direction. Idol ko pa si Zayn noon.
Nung mga panahong sila pa ni Perrie Edwards.
Kulang nalang magpakamatay ako sa saya nung na-engaged sila.
Kaso di rin nagtagal, hiniwalayan ni Zayn si Perrie.
Kabwiset diba? Ang ganda ganda kaya ni Perrie.
Nakaka-in love siya dun sa Secret love song. I mean, sa lahat ng kanta nilang Little Mix.
Sayang nga kasi di ako nakapunta sa Get Weird concert nila. Next time talaga di ko na palalampasin promise!
Natigil ako sa kaka-IG nang magflash sa screen ko yung unregistered number ni Redix.
Sorry na po, nakakatamad i-save number niya.
Pero wait, bakit gising pa to? Tsaka bakit tawag siya ng tawag sakin?
Nakalimutan niya na bang may usapan kami?
[ Why're you still up? ] bungad niya sakin.
Should I ask him about what he said nung tumawag siya sakin?
"Uh— ikaw bat gising ka pa?"
Forget it.
[ Can't sleep. ]
"Ah okay."
Silence.
Then the call ended.
Tapos na rin akong kumain pero nag-cr muna ako bago lumabas.
But before I could even leave, halos mailabas ko na yung esophagus ko sa sobrang gulat nung makita ko si Redix na kumakain din dun.
Fries and sundae din.
Binilisan kong maglakad palabas.
Sana di niya ko matanaw dito.
Aish. Ano ba naman kasi?!
Nanadya lang? Bakit ba lagi kaming pinagtatagpo ng hangin?
"Hey."
Ay shet.
"Andito ka rin?" aniya pa.
"Hindi picture ko lang to." sabi ko at sumakay na sa kotse pero kumatok siya sa bintana, smiling.
Jusko naman.
I sighed, "What is it?" tanong ko sa kanya pagkababa ko ng car window.
"Uh... Wanna stroll?" he asked.
"Mag-aalas dos na oh. Di ka pa ba uuwi?" tanong ko pabalik.
"Hindi na rin naman ako makakatulog."
Silence.
God, he's so handsome.
Nakatingin lang kaming dalawa sa isat isa.
This'll sound cliché, pero sobrang gwapo niya pa rin kahit gulo gulo buhok niya.
"C'mon, minsan lang ako mag-aya." sabi niya tapos nginitian ako.
"Saan ba pupunta?" I asked.
"Kahit saan." aniya.
Ugh.
Sorry brain, pero di ko matiis si heart.
BINABASA MO ANG
Heartsick
Teen FictionLoving him was the most absolute form of self-destruction. (GTS #2) Copyright © 2016