Chapter 16: Night chat

655 27 2
                                    

Beatrice

Pagkauwi ko sa bahay, isinoli ko agad kay Mommy yung heels niya. At pagkapasok ko naman sa kwarto ko, wala rin akong ibang nagawa kundi ang tumitig sa suot kong sapatos.

Sino ba ang nagpadala ng nito? Whoever that person is, I'm thankful. Really. Dahil kundi dahil sa kanya, baka puro paltos na ang paa ko ngayon at hindi na 'ko makapasok bukas.

Pero ginugulo niya kasi yung utak ko. Pardon if you all think I'm over reacting. Pero sige nga, kung kayo kung padalan ng sapatos, hindi ba kayo maku-curious?

Ugh. I should just sleep.

Nagbihis na ako tapos humiga sa kama. Tinago ko na rin muna yung Xperia na napanalunan namin kanina.

Natawa na nga lang ako sa sarili kong naiisip. Imagine? I went to an acquaintance party, pero wala naman akong ibang students na nakilala.

My phone beeped dahilan para mawala yung antok ko. A message from Mark.

I opened my lampshade as the thought of him angry at me started entering my mind causing my heart to beat faster.

Tama bang pinasabi ko pa kay Redix na hindi ko siya gusto? Na I like somebody else? Is it right that I declined his offer na ihatid ako kanina?

My ghad. Kinakabahan talaga 'ko.


Makoy:
What do you mean?


Kumunot ang noo ko sa text niya. Hindi ko gets. Wala naman akong tinext sa kanya na pwede niyang replyan ng What do you mean ah. Is he a fan of Justin Bieber?

Matagal akong nag-iisip kung ano yung ibig niyang sabihin sa text na 'yon pero wala talaga. Wala akong maisip.

Umilaw ulit ang cellphone ko at agad na bumalik yung kaba sakin nang makita ang 'Makoy calling. . .' sa screen.

[Hi Beatrice.] he said on the other line pagkasagot na pagkasagot ko palang nung tawag. I can't just ignore him okay? He's my friend.

"H-Hello."

[I just want to ask you about the. . .] he paused, [Oh shit. Sorry, sorry. I'll hang up now. Good night.]

Oh-kay. What was that all about?

I immediately texted Redix pero nag-failed. Wala na 'kong load. Argh. Bakit ngayon pa?

Nagbukas ako ng fb account ko at doon nalang nagsend ng message.

| 11:24 am |

Beatrice Scott: Good evening. Sinabi mo na ba sa kanya?

Surprisingly, nakapag-reply siya kaagad.

Redix Gabriel: Hindi pa.

Beatrice Scott: 'Wag muna pala ngayon. Please.

Redix Gabriel: Okay.

Isip ng topic, Beatrice. Dapat hindi siya nabo-bored tuwing kausap ka.

Beatrice Scott: Kailan pala exact date ng game niyo?
                          Tapos anong time?

Redix Gabriel: Sa isang araw. Alas dos ng hapon.

HeartsickTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon